Ang pinakamamahal kong Calapan City

Napakasarap na magkaroon ng pagkakataong makabisita kung saan ka sinilang, nagkaisip at lumaki.

ang pinakamamahal kong calapan city - Ang pinakamamahal kong Calapan City
grandmaestro - Ang pinakamamahal kong Calapan City

Napakasarap na magkaroon ng pagkakataong makabisita kung saan ka sinilang, nagkaisip at lumaki.

Ang pinakamamahal kong Calapan City, Oriental Mindoro ay tatlong dekada ko nang kinakatawan, mapalokal man o pangdaigdigang torneo sa larangan ng chess kung saan isa po ako sa naimbitahan bilang panauhing pandangal.

Mula sa imbitasyon ng aking kaibigang si United Chess Players of Calapan, Inc. president Emmanuel “Noel” Bandelaria Asi, tumulak na ang 2019 Grandmaster Rosendo Balinas, Jr. Chess Cup 12th leg na mas kilalang Lifecore Enterprises National Executive Grand Prix Chess Championships nitong Sabado.

Sinundan naman ang nasabing torneo ng 2019 Lifrecore Enterprises Open Chess Tournament nitong Linggo na parehong ginanap sa Bulwagang Panlalawigan sa Calapan.

Ito ay suportado nina Nicolas Ramil Castro ng Lifecore Enterprises, Inc., Oriental Mindoro Gov. Humerlito “Bonz” Dolor, Calapan Mayor Arnan Panaligan at First District Rep. Doy Leachon.

Nakatutuwa na maraming kabataan, ila’y sumisibol ang mga lumahok sa chessfest.

Nakadaupang palad ko rin ang aking tiyuhin na si G. Eddie Alvarez ng Barangay Ibaba, West Calapan na tiyuhin din ng ating kumpare at pinsan na si G. Roy Luarca na isang beteranong mamamahayag.

Hanggang sa susunod pong Lunes. Mabuhay ang mga woodpusher, mabuhay tayong lahat!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *