Ancajas naurat sa tirada ni Casimero

NAWALAN ng respeto si Filipino world super flyweight champion Jerwin Ancajas sa mga parinig ni world bantamweight titlist John Riel Casimero sa kanyang social media post.

The post Ancajas naurat sa tirada ni Casimero first appeared on Abante.

ancajas naurat sa tirada ni casimero - Ancajas naurat sa tirada ni Casimero
Boxing 4 - Ancajas naurat sa tirada ni Casimero

NAWALAN ng respeto si Filipino world super flyweight champion Jerwin Ancajas sa mga parinig ni world bantamweight titlist John Riel Casimero sa kanyang social media post.

Ayon sa 28-year-old champion, hindi nito nagustuhan ang salitang ‘bata’ na sinabi ni Casimero nang patutsadahan nito si Bob Arum ng Top Rank Promotions.

“Tatang Bub haha sinawsaw mu pa ‘tong isang bata mo. Walong depensa na, hindi pa gaanong sumisikat. Kasi binibigyan mo lang ng mga mahinang kalaban. Pa’no ‘yan sisikat? Siguro ito na lang gawin mo, isa sawsaw mo na lang sa akin para sisikat. Haha. Tatang BuB, ano ba ‘tong pinag-gagawa mo? haha,” post ni Casimero.

May video naman sa YouTube kung saan ay sinagot ni Ancajas ang patama ni Casimero.

“Parang nawalan lang ako ng respeto kasi ‘iyong pangalan na lang, banggitin na lang ‘iyong pangalan kong Jerwin. Pero ‘iyong tawag niya sa akin na parang bata, pero masaya ako sa mga inabot mo,” sagot ni Ancajas sa YouTube.

Sinabi pa ni Ancajas na naiintindihan niya si Casimero at nirerespeto nito ang pamamaraan para sumikat.

Maraming komento sa mga boxing fan at maging si Olympic Games qualifier Eumir Felix Marcial ay nag-react kahit hindi nabanggit ang kanyang pangalan. (Elech Dawa)

The post Ancajas naurat sa tirada ni Casimero first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *