Ambet Ko To bantay sarado

DALAWANG carryover ang puntirya ng mga karerista ngayong araw sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

The post Ambet Ko To bantay sarado first appeared on Abante.

ambet ko to bantay sarado - Ambet Ko To bantay sarado
Karera 10 - Ambet Ko To bantay sarado

DALAWANG carryover ang puntirya ng mga karerista ngayong araw sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

May 15 races ang ilalarga sa umpisa ng karera sa taong 2021, tatargetin ng mga karerista ang carryover na P12, 979.65 sa super six, pakakawalan ito sa unang karera.

Posibleng isama ng mga karerista sa tatayaan ang kabayong sina Ambet Ko To at Bishop Blue sa 14 na tatakbo sa distansyang 1,400 metro.

Bukod sa dalawang nabanggit na kabayo, ang ibang pagpipilian ng mga karerista ay sina Universe, Lockdown, Money Gain, Gil’s Magic, Caloocan Girl, Dugong Bughaw, Caloocan Zap, Don Albertini, The Believer, Since When, Barayong at Born In April.

Puntirya rin ng mga karerista ang P543,964.21 na carryover sa winner take all, sa Race 2 naman ito magsisimula.

Lahat ng karera na ikakasa ay suportado ng Philippine Racing Commission.

Maliban sa carryover, aabangan din ng mga karerista ang labanan ng mga bagitong kabayo sa 3-Year-Old & Above Maiden race. (Elech Dawa)

The post Ambet Ko To bantay sarado first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *