AMA pasok sa UCSAA Season 9 semifinals

LALABAN ang AMA University College at high school basketball team sa semifinals ng 9th UCSAA Basketball Tournament 2019 na lalaruin sa darating na October 3, Thursday, sa Basketball Gymnasium ng City of San Jose Del Monte, Bulacan.

ama pasok sa ucsaa season 9 semifinals - AMA pasok sa UCSAA Season 9 semifinals
Mark Herrera Mark My Word 1 - AMA pasok sa UCSAA Season 9 semifinals

LALABAN ang AMA University College at high school basketball team sa semifinals ng 9th UCSAA Basketball Tournament 2019 na lalaruin sa darating na October 3, Thursday, sa Basketball Gymnasium ng City of San Jose Del Monte, Bulacan.

Ang AMA University na pinangungunahan nina Andre Paras, Luke Parcero, Alvin Fuentes at Ged Austria ay susubukang sungkitin ang panalo laban sa powerhouse World Citi College Team.

Habang ang AMA high school basketball team na umaasa kina Reed Baclig, Christian Camay, Earl Ceniza, Joshua Villamor, JC Yambao, Allen Rodriguez, Cymond Santos, JP Magpayo, Joshua Seda at Rolly Temporosa ay susubukan pabagsakin ang koponan ng First City Providencial College.

Nagpapasalamat kami sa aming chairman Amb. Amable R. Aguiluz V at kay President Dr. Amable C. Aguiluz V.

***

Binabati ko po ang aking ninong Dr. Jay G. Adalem sa napakaayos na pagpatakbo sa National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU 19th Season).

Binabati ko rin ng maligayang kaarawan ang aking sister-in-law na si Ate Shiela Herrera at salamt sa mga tulong mo sa pamilya ko hangang ngayon at sa pag-alaga sa Kuya Peter Herrera.

***

Nag-umpisa na ang Athletic Association of Private Schools sa District VI ng Quezon City, na programa ng Department of Education patungong Palarong Pambansa.

Giniba ng AMA Aspirant’s team 16-Under sa iskor na 75-72 ang powerhouse Far Eastern University sa pag-uumpisa ng torneo na ginanap sa College of St. Catherine-QC.

Pinangunahan ni Reed Baclig, Earl Ceniza, Christian Camay at JC Yambao ang AMA Aspirant’s Team sa pagsungkit ng una nilang panalo.

Kabilang sa team sina Eriz Romero, Angelo Cabaluna, Daryl Durante, JP Magpayo, Ej Magpayo, Ado Cruz, Rico Mayuno, Rolly Temporosa at Reymond Colina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *