AMA kampeon sa BBL, Chabi Yo bigatin sa UST

Maganda ang ipinapakita ng UST nga­yong season sa UAAP 82, itinaob ang UP na mayroong Kobe Paras, Ricci Rivero at Bright Akhuetie.

ama kampeon sa bbl chabi yo bigatin sa ust - AMA kampeon sa BBL, Chabi Yo bigatin sa UST
Mark Herrera Mark My Word 4 - AMA kampeon sa BBL, Chabi Yo bigatin sa UST

Maganda ang ipinapakita ng UST nga­yong season sa UAAP 82, itinaob ang UP na mayroong Kobe Paras, Ricci Rivero at Bright Akhuetie.

Iba ang ipinakita ni Soulemane Chabi Yo, aminin natin, kung wala siya sa UST hindi nila maaabot ang Finals.

Bilang coach, alam ko na kahit gaano ka kagaling na coach, kung wala kang piyesa ay wala ka ring mararating lalo na sa college level at sa commercial teams.

Aminin na natin, kailangang gumastos para maabot ito at da­pat magpasalamat tayo sa mga coach na tumulong sa atin nu’ng wala pang nagtitiwala sa atin kaya napunta tayo sa ating kinatatayuan.

Umiikot ang mundo ng basketball, baka sa huli ‘yung coach na nakalimutan mo dun ka rin babalik.

Marami na akong napanood na ganyan.

Good luck sa UST at Ateneo. Sa aking opinyon, malaki ang lamang ng Blue Eagles dahil sa championship experience ng players.

Parehong magaling ang coach at parehong may foreigner na player­ ang bawat koponan.

***

Kampeon ang AMA 19-Under sa Breakdown Basketball League.

Dinurog ng team ang mga higanteng manlalaro ng SaN Benildo sa championship, 87-71.

Nagpakitang-gilas ang mga manlalaro ng AMA sa pangunguna nina Reed Baclig at Earl Bryan Ceniza (Mythical 5) na mga 17 years old pa lamang at born 2002 kasama ang mga beteranong sina Christian Germino (Finals MVP), Alec Catorce at Nikon Alina.

Kabilang din sina Joshua Villamor, Cymond Santos, Allen Rodriguez, Eriz Romero, JC Yambao, Joshua Seda, at Kobe Cruz.

Nagpapasalamat kami sa aming AMA Chairman Amb. Amable C. Aguiluz V at kay President Dr. Amable C. Aguiluz IX.

***

Magsisimula na ulit ang PBA D-League Aspirant’s Cup sa January 2020, muling sasali ang koponan ng inyong lingkod, ang AMA Online Education, at Ito ay ikawalong taon na paglahok ng AMA sa pinaka-the best na Developmental Basketball League sa Pilipinas na inorganisa ng Philippine Basketball Association (PBA).

Bilang preparasyon, ang AMA Online Education PBA D-League team ay magpapa-tryout sa mga potensiyal na manlalaro simula ngayong buwan ng Nobyembre, sa mga araw ng lunes, Miyerkoles at Biyernes sa AMA University gym sa Villa Arca Subdivision sa Project 8, Quezon City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *