Alvarez may 5 entry sa Pasay ngayon

MANGUNGUNA Si gamefowl breeder Mapher Alvarez ng Laguna sa 70 kalahok sa “Luzon Breeders Cup (LBC) 9-Stag Derby” (set B) ngayong Biyernes, August 2 sa Pasay City Cockpit.

alvarez may 5 entry sa pasay ngayon - Alvarez may 5 entry sa Pasay ngayon
Abante tnt pasay cockpit - Alvarez may 5 entry sa Pasay ngayon

MANGUNGUNA Si gamefowl breeder Mapher Alvarez ng Laguna sa 70 kalahok sa “Luzon Breeders Cup (LBC) 9-Stag Derby” (set B) ngayong Biyernes, August 2 sa Pasay City Cockpit.

May limang entries na isasagupa si Alvarez, may-ari ng Luisiana Coliseum sa Laguna at magugunitang umiskor ng perpektong 5 panalo sa set A ng LBC nitong July 26.

Suportado ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000 ang LBC stagfest na binuo ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA), breeders groups/cockpit operators ng Luzon at Sagupaan Agricultural Products, Inc.

Kasali rin mamaya sina Jun Sevilla, Ramir Navas, 2018 World Slasher Cup champion Anthony Lim, James Uy, Nestor Vendivil, Jon Lasco, Andrew Malabag, Edwin Lumbres, Allan Ke, LGBA treasurer Gerry Escalona, Zaldy Austria, Edwin dela Cruz at Allan Cantal.

Dalawang elims round pa ng set B ang bibira sa August 9 at 12 habang August 16 ang semifinals.

Puwede ang ‘early bird’ stags ng LBC, Bakbakan, Digmaan, A-Cup, BNTV, Panay EBC at PSCBC dito. (Enjel Manato)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *