Alora huling hirit ang Tokyo Games

Hangad ni 2016 Rio De Janeiro veteran Kirstie Elaine Alora na magretiro habang sumasabak sa Olympics.

The post Alora huling hirit ang Tokyo Games first appeared on Abante.

alora huling hirit ang tokyo games - Alora huling hirit ang Tokyo Games
abante alora - Alora huling hirit ang Tokyo Games

Hangad ni 2016 Rio De Janeiro veteran Kirstie Elaine Alora na magretiro habang sumasabak sa Olympics.

Ito ang inihayag ni Alora na nakatuon sa magandang tsansa na makapagkuwalipika sa ikalawang sunod na edisyon ng kada apat na taong torneo.

Nakasiguro na ang karibal ni Alora na sina Lee Da-bin ng Korea at Zheng Shuyin ng China sa Tokyo Olympics at tanging ang hadlang na lamang dito ay ang talunin sina sina Svetlana Osipova ng Uzbekistan at si Cansel Deniz ng Kazakhstan upang muling makatuntong sa Olympics.

Una nang nabigo si Alora kina Osipova at Deniz sa nakalipas na paghaharap bagaman optimistiko ito na makabawi bunga ng isinagawa nitong matinding pagsasanay simula maganap ang lockdown sa pakikipag-sparring sa kapwa nito asam makatuntong sa Olympics na si Arven Alcantara.

Si Alcantara ay nakatira din sa building kung saan namamalagi si Alora.

Hindi malayong makamit ni Alora ang pangarap sa pagsuong nito sa isasagawa ng World Taekwondo na pinakahuli na Asian Olympic Qualifiers sa ikatlong linggo ng Marso sa Amman, Jordan kung saan paglalabanan ang dalawang silya sa Continental na uusad sa Tokyo Summer Games sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8. (Lito Oredo)

The post Alora huling hirit ang Tokyo Games first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *