Almazan kalawang pa, miron muna sa Bolts

HINDI muna maglalaro ang latest addition sa Meralco na si Raymond Almazan.

The post Almazan kalawang pa, miron muna sa Bolts appeared first on Abante News Online.

almazan kalawang pa miron muna sa bolts - Almazan kalawang pa, miron muna sa Bolts
Raymond Almazan - Almazan kalawang pa, miron muna sa Bolts

Mga laro ngayon: (MOA Arena)
4:30pm — Blackwater vs. Meralco
6:45pm — Alaska vs. Columbian

HINDI muna maglalaro ang latest addition sa Meralco na si Raymond Almazan.

Bubuksan ng Bolts ang kampanya laban sa Blackwater sa siklab ng PBA Commissioner’s Cup ngayong Linggo sa MOA Arena.

“Definitely he won’t play Sunday,” paniniguro ni coach Norman Black. “That’s out of the question.”

Pagkatapos ng anim na taon mula nang tapikin bilang third pick overall noong 2013 draft, pinamigay ng Rain or Shine sa Meralco si Almazan nitong nagdaang linggo kapalit ng dalawang future first-round picks.

Huwebes ay pumunta na ang 6-foot-8 center/forward sa praktis ng Bolts sa Meralco gym, pero sa shoot-around lang muna siya. Wala pang full-contact drills dahil kagagaling lang sa calf at ankle injuries.

Naka-anim na laro lang siya sa Elasto Painters nitong katatapos na Philippine Cup.(Vladi Eduarte)

The post Almazan kalawang pa, miron muna sa Bolts appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *