Allowance ng mga atleta dinagdagan ng PSC

DINAGDAGAN ng Phi­lippine Sports Commission (PSC) ang allo­wance na matatanggap ng mga pambansang atleta base bilang suporta sa kanilang pagsabak sa Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

The post Allowance ng mga atleta dinagdagan ng PSC appeared first on Abante News Online.

allowance ng mga atleta dinagdagan ng psc - Allowance ng mga atleta dinagdagan ng PSC
psc 1 - Allowance ng mga atleta dinagdagan ng PSC

DINAGDAGAN ng Phi­lippine Sports Commission (PSC) ang allo­wance na matatanggap ng mga pambansang atleta base bilang suporta sa kanilang pagsabak sa Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Sinabi ni PSC Chairman William Ramirez na napagkasunduan ng lima kataong PSC Exe­cutive Board ang bagong classification allowance upang mapagbigyan ang lahat ng mga kasalukuyang pambansang atleta na umaabot sa mahigit na 700 gayundin ang mga national coaches.

Base sa bagong classification allowance ay may tatawagin na nasa Platinum category o ang mga Olympic Medalists at World Champions na tatanggap ng P45,000 kada buwan.

Ikalawa dito ang Priority A o ang mga Olympians (qualifier), Youth Olympic Games (gold-silver-bronze), Paralympic Games (g-s-b) na may P 43,000 habang ang Prio­rity B na Asian Games, Asian Paragames (G), Asian Winter Games (G), Asian Indoor Martial Arts Games (G) ay tatanggap ng P36,000 monthly allowance.

Ang Priority C ay kabilang ang Asian Games (S at B), Asian Para Games (S at B), Asian Indoor Martial Arts Games (S at B), Asian Beach Games (G), Medalists sa Asian level competitions na isinasagawa kada dalawang taon na may kasaling 25 bansa na makakakuha ng P 33,000.

Kabilang sa Class A ang Asian Beach Games (S at B), Qualifiers sa World level at Asian le­vel at Games na kada dalawang taon at may 25 kasaling bansa na may P 30,000 at Class B SEA Games (G), ASEAN Para Games (G), Olympians (universality) at Chess Grandmaster na mabibigyan ng P27,000 allowance.

Ang Class C SEA Games (S), ASEAN Para Games (S at B) at SEA Games (B) ay P 24,000 habangTeam Sports Medalists ay may P17,000.

Ang mga nasa Trai­ning Pool kabilang ang Team Sports, Non-medalists/downgraded, bagong pasok na atleta at kapalit na sparring partners ay may P10,000 alowance naman. (Lito Oredo)

The post Allowance ng mga atleta dinagdagan ng PSC appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *