All-pro Gilas bet ni Panlilio

ASAM ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na mabuo ang pinakamalakas na pambansang koponan para sa susunod na ikatlo at panghuling qualifying window para sa FIBA Asia Cup 2021.

The post All-pro Gilas bet ni Panlilio first appeared on Abante.

all pro gilas bet ni panlilio - All-pro Gilas bet ni Panlilio
Al Panlilio - All-pro Gilas bet ni Panlilio

ASAM ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na mabuo ang pinakamalakas na pambansang koponan para sa susunod na ikatlo at panghuling qualifying window para sa FIBA Asia Cup 2021.

Umaasa si Al Panlilio, presidente ng SBP, na muling magsisilbi para sa bansa ang mga PBA player para sumabak sa nakatakda na huling window sa Pebroro 2021 kung saan makakasagupa ng Gilas ang matinding karibal na South Korea at ang Indonesia.

Tampok ang mga batang miyembro ay inangkin ng Gilas ang top spot sa Group A sa pagwalis sa dalawang laro nito kontra sa Thailand sa Manama, Bahrain.

Bagaman kulang sa ensayo at ekspiriyensa ay tinalo ng koponan ang Thailad nang dalawang beses sa loob ng apat na araw upang maitala ang 3-0 panalo-talong record.

Gayunman, aminado si Panlilio na mas kailangan ng isang ekspiriyensadong koponan sa susunod na labanan kung saan dalawang beses na makakasagupa ng Pilipinas ang mahigpit nitong karibal na South Korea.

Wala pa ring talo ang South Korea sa qualifiers sa bitbit na 2-0, bagaman hindi ito sumali sa nakalipas na window dahil sa pangamba sa COVID-19 pandemic. (Lito Oredo)

The post All-pro Gilas bet ni Panlilio first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *