Alden mas masarap, mabenta sa ‘boobey’ ni Ivana

Hindi natinag sa puwesto niya bilang ‘pinakasikat’ at ‘well-loved’ na Kapuso star si Alden Richards, dahil sa mahigit na 8,000 na ang bilang ng mga comment sa kanya sa birthday post niya sa Instagram.

The post Alden mas masarap, mabenta sa ‘boobey’ ni Ivana first appeared on Abante.

alden mas masarap mabenta sa boobey ni ivana - Alden mas masarap, mabenta sa ‘boobey’ ni Ivana
alden 8 - Alden mas masarap, mabenta sa ‘boobey’ ni Ivana

FINAL columnists OH Laban ka rey pumaloy 1 1 300x180 - Alden mas masarap, mabenta sa ‘boobey’ ni IvanaHindi natinag sa puwesto niya bilang ‘pinakasikat’ at ‘well-loved’ na Kapuso star si Alden Richards, dahil sa mahigit na 8,000 na ang bilang ng mga comment sa kanya sa birthday post niya sa Instagram.

Larawan ‘yon ni Alden na hawak ang 2-layered cake para hipan, at wala namang ipinagkaiba sa mga nag-birthday sa social media post ng mga kilala rin namang mga artist, pero dahil nga popular at maganda ang imahe ng aktor kaya libo-libo ang bumati sa kanyang kaarawan.

Ang birthday post na yata ni Alden ang may pinakamaraming bilang ng mga comment sa Pinoy socmed scene, sa pagpasok ng 2021.

Kinabog niya ang Queen of Social Media na si Ivana Alawi sa semi-topless photo post nito sa IG. Ang post kasi ni Ivana na `yon ay humamig lang ng 2,560 na komento mula sa mga fan sa loob ng dalawang araw.

Samantalang ang kay Alden ay umaabot nga sa 8,000 ang komento sa loob lang ng 16 oras.

Meaning, talagang sinamahan si Alden ng mga fan na mag-celebrate ng birthday kahit sa IG lang.

Claudine wasak ulit ang puso

Kakapasok pa lang ng 2021, puro hugot na agad si Claudine Barretto. At tungkol agad sa sakit ng puso o pagmamahal at mga hugot niya, ha!

Base sa mga quotation na pinoste ni Claudine sa Instagram, tila may pinagdadaanan na namang heart broken ang aktres.

“Dear self. Please stop going back to the same people who keep hurting you. You removed them for a reason. Yes, they may keep knocking on the door, but you don’t have to keep opening it. Every time you do, they repeat the same cycle and you stay stuck. You deserve to be treated with respect. Sure, no one is perfect, but people who hurt your heart too much never give it a chance to heal. It’s finally time to learn to let go of the people and things that don’t make you feel happy, loved and whole. Trust me, I know you more than anyone else. Love me,” sabi ni Claudine.

At sinundan pa ito ng bagong quote na mula naman sa yamaong aktor na si Heath Ledger.

“One of my biggest mistakes in life is thinking people will show me the same love I’ve shown them.”

At sabi pa niya sa caption, “This is so me. This is so true.”

Hindi matukoy ng mga fan ni Claudine kung ano ang pinanggalingan ng mga hugot nito dahil walang anumang paramdam sa kung sino na naman ang nanakit sa kanya.

The post Alden mas masarap, mabenta sa ‘boobey’ ni Ivana first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *