Alcazar hahalili muna kay Suzara sa Phisgoc

Alcazar hahalili muna kay Suzara sa Phisgoc

ITINALAGA ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) ang Director for Support Services nito na si Jojit Alcazar bilang Officer-In-Charge upang pansamantalang palitan ang iniulat na inalis na sa puwesto na Chief Operating Officer na si Ramon ‘Tatz’ Suzara.

alcazar hahalili muna kay suzara sa phisgoc - Alcazar hahalili muna kay Suzara sa Phisgoc
ramon tatz - Alcazar hahalili muna kay Suzara sa Phisgoc

ITINALAGA ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) ang Director for Support Services nito na si Jojit Alcazar bilang Officer-In-Charge upang pansamantalang palitan ang iniulat na inalis na sa puwesto na Chief Operating Officer na si Ramon ‘Tatz’ Suzara.

Sa ipinadala nitong sulat para sa Phisgoc na may petsang September 18, 2019, sinabi nito na nananatili si Suzara na COO at kasalukuyan lamang na on official leave habang naghahanda ang bansa para sa pagho-host sa 30th Southeast Asian Games.

“Mr. Ramon Suzara remains as the Chief Operating Officer of the Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc). As he is currently on official leave from September 11-30, I have been designated as Officer-In-Charge of Phisgoc during the COO’s absence. To date, the current organizational chart remains the same,” ayon sa sulat ni Alcazar.

“As we draw closer to the Games, all officials of the top management and the respective officials and members of all functional areas should perform their regular duties and functions. 73 days to go! We Win as One!”

Inokupahan ni Alcazar, na mula University of the Philippines at nagtapos ng Bachelor of Arts in Mass Communications, ang pagiging Phisgoc Director for Support Services noong Nobyembre 2018 hanggang sa kasalukuyan.

Ipinaliwanag kamakailan ni Phisgoc chairman Alan Peter Cayetano ang pagbubuo ng isang executive committee upang akuin ang mga gawain at responsibilidad ni Suzara sa kada dalawang taong torneo habang kasagsagan ng paghahanda at preparasyon ang bansa sa natitirang dalawang buwan para sa torneo.

Idinahilan naman ni Suzara sa kanyang leave of absence simula Setyembre 11-30, 2019 ang kanyang commitment sa internasyonal na asosasyon na FIVB Volleyball Women’s World Cup bilang isang official ng Asian Volleyball Confederation. (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *