Alas suspendido

SINUSPINDE ng pamunuan ng Phoenix LPG Superkalan ang head coach nitong si Loiue Alas dahil sa hindi inaasahan nitong paglabag sa mga itinakdang safety guidelines at health protocol sa pagsasagawa ng ensayo sa koponan.

The post Alas suspendido first appeared on Abante.

alas suspendido - Alas suspendido
Louie Alas - Alas suspendido

SINUSPINDE ng pamunuan ng Phoenix LPG Superkalan ang head coach nitong si Loiue Alas dahil sa hindi inaasahan nitong paglabag sa mga itinakdang safety guidelines at health protocol sa pagsasagawa ng ensayo sa koponan.

Ang beteranong coach na si Alas ay sinuspinde ng pamunuan ng 15-araw base sa ipinapalagay nitong paglabag sa utos ng liga sa health protocols sa workout ng Fuel Masters sa Upper Deck gym sa Ortigas.

Ipinaliwanag ng pamunuan ng Phoenix na istrikto nitong sinusunod ang health protocols na binuo ng PBA at hindi nito kinakampihan ang kahit sino sa koponan kahit na suspendihin ang sarilli nitong head coach.

Tanggap naman ni Alas ang desisyon kahit dismayado at pinasalamatan pa rin ang pamunuan sa istrikto nitong pagsunod sa league guidelines upang maiwasan ang pagkakahawa sa COVID-19 virus.

“Disappointed, but happy on the other hand. (Kasi) kahit may 15-day suspension, alam ko na mai-implement ang protocols dito sa team namin, dahil walang pinipili, kahit sinong may violation, may sanction,” sabi lamang ni Alas sa panayam ng Spin.ph.

Tinukoy ng pamunuan ng Phoenix ang tatlong paglabag ni Alas na naganap sa unang araw ng workout ng Fuel Masters nakaraang lingo.

Ito ay ang paglalagay ng tape sa kanyang daliri, pagpasok sa venue sa nakatakdang oras ng ibang batch ng player at ang biglaang pagpasok sa loob ng court habang isinasagawa ang decontamination. (Lito Oredo)

The post Alas suspendido first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *