Alas, Phoenix aligaga kahit pa nag-top seed

HINDI mapakali si coach Louie Alas kahit pa top seed ang kanyang Phoenix Fuel Masters sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup.

The post Alas, Phoenix aligaga kahit pa nag-top seed appeared first on Abante News Online.

alas phoenix aligaga kahit pa nag top seed - Alas, Phoenix aligaga kahit pa nag-top seed
alas - Alas, Phoenix aligaga kahit pa nag-top seed

HINDI mapakali si coach Louie Alas kahit pa top seed ang kanyang Phoenix Fuel Masters sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup.

Marso 16 pa huling lumaro ang Fuel Masters nang tapusin ang eliminations sa 9-2 sa bisa ng 96-93 win kontra San Miguel Beer sa Panabo.

Baka aniya makaapek­to sa maangas nilang laro ang matagal na pahinga. Wala pa ring kasiguruhan kung sino ang No. 8 na makakatapat sa quarters.

“Grabe itong agony,” pagbubunyag ni Alas Linggo ng umaga ilang oras bago tinimunan kinagabihan ang North squad kontra South sa PBA All-Star game sa ­Calasiao Sports Center.

“Sabi ko nga, tayo number one pero tayo rin nag-iisip kung sino makakalaban.”

Kung walang playoff para sa No. 8 pagkatapos ng mga laro sa final day ng eliminations sa Miyerkoles, siklab agad sa Biyernes ang quarters.

Selyado ng Phoenix at Rain or Shine (8-3) ang top two na twice-to-beat sa quarters. Madedesisyunan lang ang final rankings pagkatapos ng mga laro sa Miyerkoles.

Posibleng makatapat ng Fuel Masters alinman sa NLEX, NorthPort, ­Magnolia o Alaska.

“Hindi ko pa talaga ma-figure out kung sino,” dagdag ng coach. “Kasi ‘yung possibility pare-pareho. Ayaw ko ding mamili dahil wala kang puwedeng piliin.” (Vladi Eduarte)

The post Alas, Phoenix aligaga kahit pa nag-top seed appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *