Alapag lumayas na sa Pilipinas

Tuluyan nang iiwan ni ASEAN Basketball League (ABL)-San Miguel Alab Pilipinas coach at Philippine Basketball Association (PBA)-San Miguel Beermen assistant coach Jimmy Alapag ang ‘Pinas nang bumiyahe na kasama ang dating TV host niyang misis na si LJ Moreno at tatlo nilang anak pa-Los Angeles, California.

The post Alapag lumayas na sa Pilipinas first appeared on Abante.

alapag lumayas na sa pilipinas - Alapag lumayas na sa Pilipinas
jimmy alapag - Alapag lumayas na sa Pilipinas

Tuluyan nang iiwan ni ASEAN Basketball League (ABL)-San Miguel Alab Pilipinas coach at Philippine Basketball Association (PBA)-San Miguel Beermen assistant coach Jimmy Alapag ang ‘Pinas nang bumiyahe na kasama ang dating TV host niyang misis na si LJ Moreno at tatlo nilang anak pa-Los Angeles, California.

Kinumpirma nitong Miyerkoles ni sports agent at Alab co-team owner Charlie Dy, ang paglipad ng pamilya ng 42-anyos at may taas na 5-9 na ex-Gilas Pilipinas at pro patungong Tate kung saan doon na siya mamamalagi dahil sa patuloy na pandemya.

Plano na dati ng Fil-Am ang pagbabalik sa Amerika kung saan siya pinanganak at lumaki bago lang naghanap buhay sa bansa nang imbitahang maglaro sa national men’s basketball team para sa 2002 Busan Asian Games.

Ito’y dahil na sa pangarap din niyang makapagmamando ng isang koponan sa USA, alinman sa National Basketball Association (NBA) G League o National Collegiate Athletic Association (NCAA). (Aivan Denzel Episcope)

The post Alapag lumayas na sa Pilipinas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *