Agaw eksena ni LBJ sa anak: Hati ang socmed

‘DI napigil ni LeBron James ang sarili, sobrang saya at excited habang pinapanood ang anak na si Bronny, 14, sa championship game ng Bigtime Hoops Tournament sa Las Vegas.

agaw eksena ni lbj sa anak hati ang socmed - Agaw eksena ni LBJ sa anak: Hati ang socmed
lebron james11 - Agaw eksena ni LBJ sa anak: Hati ang socmed

‘DI napigil ni LeBron James ang sarili, sobrang saya at excited habang pinapanood ang anak na si Bronny, 14, sa championship game ng Bigtime Hoops Tournament sa Las Vegas.

Tatay na tatay si LeBron sa sidelines, bago ang laro ay game na game pang sumali sa warmups, dumakdak din.

Kahit sa ibang bata, nagtatalon si LeBron kapag may maangas na moves sa court.

Lalo na nang dumakdak si LeBron Jr. para ipanalo ang North Coast Blue Chips.

Mula sa kinauupuan, takbo sa court si LeBron na parang nanalo rin ng kampeonato.

Sa post ng Ballislife.com, natanggal pa ang kanan niyang sapatos.

Sunod ng video posts ng mga kakulitan ni LeBron ang debate.

May mga nagtatanong kung parent-appropriate daw ang pinaggagawa ng NBA star. Agaw-eksena pa raw sa anak.

“This is crazy ….. you guys take what this man does off the court for granted ….. sounds like hate,” tweet ni @3Diorjohnson. “My dad has never been to one of my basketball games … in fact I haven’t even seen my father in 4 years lol ….. Don’t let this go over your head!!!”

mula kay Jason Whitlock ng Fox Sports: “LeBron is making a spectacle of himself.” (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *