Adopted bro ni Durant patay sa pamamaril

BINARIL at napatay sa Atlanta si Cliff Dixon, ang long-time close friend ni Golden State Warriors star Kevin Durant.­

The post Adopted bro ni Durant patay sa pamamaril appeared first on Abante News Online.

adopted bro ni durant patay sa pamamaril - Adopted bro ni Durant patay sa pamamaril
Abante 2019 Cliff Dixon - Adopted bro ni Durant patay sa pamamaril

SAKLAP!

BINARIL at napatay sa Atlanta si Cliff Dixon, ang long-time close friend ni Golden State Warriors star Kevin Durant.­

Base sa unang report ng Fox 5 Atlanta, pinatay si Dixon sa parking area sa labas ng strip mall SL Lounge nightclub Huwebes ng umaga, mismong araw ng kanyang 32nd birthday. Naisugod pa siya sa Grady Memorial Hospital pero binawian din ng buhay.

Parehong tubong Washington DC/Maryland area ang dalawa, madalas tawagin ni Durant si Dixon bilang kanyang “adopted brother.”

Kasama pa si Dixon sa mga pinasa­lamatan niya nang tanggapin ang MVP trophy noong 2013-14.

“All my friends Cliff (Dixon), Charlie (Bell), Vernon (Dixon), Tay (Young), Randy (Williams), Ryan (Lopez). You keep me sane every single day,” pahayag noon ni Durant. “There’s days when I come home upset from a game or practice and you just brighten my day up. Thank you guys. You mean the world to me.”

Nang matanggap ang balita, naglabas din ng sentimyento sa Twitter ang ina ni Durant na si Wanda:

“Our family was an extension of his & we shared wonderful memories. His transition is an incredible loss for all of us who loved him, he will be missed dearly.”

In-advertise pa ni Dixon ang kanyang party sa Instagram.

Teenagers pa ay magkaibigan na sina Durant at Dixon at parehong nag­laro sa Suitland High School sa Maryland. Nag-college si Dixon sa Western Kentucky U, si Durant sa Texas. (VE)

The post Adopted bro ni Durant patay sa pamamaril appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *