Adebayo, Miami babayo sa Game 3

ABSENT sina Bam Adebayo at Goran Dragic sa Game 2 ng NBA Finals, nalubog ang Miami 2-0 sa Lakers.

The post Adebayo, Miami babayo sa Game 3 first appeared on Abante.

adebayo miami babayo sa game 3 - Adebayo, Miami babayo sa Game 3
abante bam adebayo - Adebayo, Miami babayo sa Game 3

ABSENT sina Bam Adebayo at Goran Dragic sa Game 2 ng NBA Finals, nalubog ang Miami 2-0 sa Lakers.

Isang matinding bawi ang kailangan ng Heat sa Game 3 ngayon para hindi malagay sa alanganin. Isang talo pa, mahihirapan na silang makaiwas sa sweep.

Injured sina Adebayo (neck strain) at Dragic (foot), binalikat ni Jimmy Butler ang Miami pero kinapos din 124-114. Tumapos si Butler ng 25 points, 8 rebounds at 13 assists.

Plano ni Adebayo na bumalik sa Game 3 ngayon.

Kay Meyers Leonard binigay ni coach Erik Spoelstra ang spot ni Adebayo sa starting lineup, pero naka-9 minutes lang ang substitute center, may 7 points at 1 assist.

Si Kelly Olynyk ang napakinabangan ng Miami. Nasulit ang 37 minutes off the bench ng Canadian back up center sa isinumiteng 24 points mula 9 of 16 shooting, may 9 rebounds pa.

“Yes, I believe I’ll be in the lineup,” ani Adebayo sa Yahoo Sports sa posibilidad ng paglalaro ngayon.

“I’m feeling better. I believe I will play.”

Hindi pa sigurado ang status ni Dragic.

Dehado pero ayaw sumuko ng Heat. Sanay na silang underdogs.

“We just got to continue to fight,” giit ni Adebayo. “We’ve done it all year.” (Vladi Eduarte)

The post Adebayo, Miami babayo sa Game 3 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *