Adebayo, Herro pabibo sa Heat

INALALAYAN nina Bam Adebayo at Tyler Herro ang Miami Heat upang sikwatin ang 117-105 panalo laban sa Toronto Raptors sa NBA preseason kahapon.

The post Adebayo, Herro pabibo sa Heat first appeared on Abante.

adebayo herro pabibo sa heat - Adebayo, Herro pabibo sa Heat
NBA 5 - Adebayo, Herro pabibo sa Heat

INALALAYAN nina Bam Adebayo at Tyler Herro ang Miami Heat upang sikwatin ang 117-105 panalo laban sa Toronto Raptors sa NBA preseason kahapon.

Dahil sa ipinakitang determinasyong maglaro nina Adebayo at Herro kasama si Duncan Robinson ay ginanahan ang ibang kakampi nila tulad nina KZ Okpala at Max Strus.

Sinalang ni Filipino-American head coach Eric Spoelstra sa starting five si Okpala at nagpakitang gilas ito sa pagtipa ng 24 points at limang rebounds habang mula sa bench ay nagtala naman si Strus ng 22 markers para Heat.

Dikdikan ang banatan ng Miami at Toronto sa unang dalawang period kung saan ay nakalamang ang Heat ng dalawa, 58-56, sa halftime.

Hindi naman nagpabaya ang heat sa second half upang hablutin ang panalo at maging momentum hanggang 2020-2021 NBA season na magsisimula sa Disyembre 22.

Nag-ambag si Adebayo ng 13 markers at nine boards habang 10 ang binakas ni Herro.

Namuno sa opensa para sa Raptors si Kyle Lowry na nganamada ng 26 puntos habang 14 ang nilista ni paskal Siakam. (Elech Dawa)

The post Adebayo, Herro pabibo sa Heat first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *