ACT-CIS Rep. Yap malapit sa sports

NAKILALA ko ng personal kamakailan si ACT-CIS Partylist Representative Eric Yap.

act cis rep yap malapit sa sports - ACT-CIS Rep. Yap malapit sa sports
Mark Herrera Mark My Word 1 - ACT-CIS Rep. Yap malapit sa sports

NAKILALA ko ng personal kamakailan si ACT-CIS Partylist Representative Eric Yap.

Numero uno siya sa kongreso pero akala mo ay pangkaraniwang tao lang nang makilala ko siya nang ako ay makinig sa sesyon.

Dati rin siyang varsity player nung kanyang kabataan dahil sa kanyang tangkad at bilis.

Shooter si Cong. Eric nung naglalaro pa siya sa kanyang eskwela. Nung tumuntong na siya sa kolehiyo, nagpahinga siya dahil sa kursong kinukuha.

Isa si Cong. Yap na sumuporta sa adhikain ni Deputy House Speaker Paolo ‘Pulong’ Duterte na ‘Tapang at Malasakit National Basketball & Volleyball Tournament’ na nakatulong sa mga kabataan na makaiwas sa mga masasamang bisyo at makapag-aral ng libre.

Kaya hindi ako nagulat na maging numero uno siya sa kongreso sa tulong na rin ng magaling, matapanag at may paninindigan na sina Sir Erwin, Raffy at Ben Tulfo.

Kaya sana ay marami pa kayong matulungan!

***

Natapos na ang kampanya ng AMA Online sa PBA D-League matapos pumasok sa playoffs.

Nagpapasalamat ako sa mga player ko na patuloy na lumaban kahit wala kaming foreigner o ex-PBA player.

Naabot namin ito at nakakasiguro ako na may produkto na namang bago ang AMA sports na aakyat ng PBA gaya nina Rashawn Mccarthy, Jeremy King, Jeron Teng at ngayong darating na draft na sina Aaron Black na ‘Mr. Triple Double’, Vince Tolentino at Luke Parcero kaya masaya ang aming team owner na sina Amb. Amable R. Aguiluz V at President Amable C. Aguiluz IX.

For seven years ay school-based team ang AMA na walang foreigner at walang sponsor.

***

Binabati ko si Sir Harlem Ruiz sa magandang pamamalakad niya sa UCSAA 2019 at sa mga miyembro nitong eskwelahan.

Nagpapasalamat ang AMA sports sa pagtangap sa amin bilang bagong miyembro ng liga.

Gaya ng sabi ng aming tournament head na si Sir Harlem, “UCSAA will be brighter and bolder.”

Binabati ko ang Hotshots ni coach Glenn Terania sa 3rd season ng mga liga niya at kamusta sa One Cainta 13-Under ni coach Ron Camara sa magandang pinapakita niya sa Inter City.

Mabuhay kayo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *