Abueva vs Parks: Hidwaan mabubuhay!

Smart Clark Giga City – Ayon kay Calvin Abueva, nag-apologize na siya kay Ray Parks Jr. nang magsalubong sa Quest Hotel habang nasa Pampanga bubble.

The post Abueva vs Parks: Hidwaan mabubuhay! first appeared on Abante.

abueva vs parks hidwaan mabubuhay - Abueva vs Parks: Hidwaan mabubuhay!
Abueva x Parks - Abueva vs Parks: Hidwaan mabubuhay!

Smart Clark Giga City – Ayon kay Calvin Abueva, nag-apologize na siya kay Ray Parks Jr. nang magsalubong sa Quest Hotel habang nasa Pampanga bubble.

Ang sagutan sa girlfriend ni Parks ang isa sa mga naging dahilan ng indefinite suspension ni Abueva noong nakaraang taon na tumagal ng 16 months.

Matapos pakitaan ng bastos na senyas ang girlfriend ni Parks na noo’y nasa Blackwater pa, binigyan naman ni Abueva ng matinding clothesline ang noo’y TNT import na si Terrence Jones.

Sa bubble ni-lift ni commissioner Willie Marcial ang suspension ni Abueva at muling nakapaglaro ang The Beast noong Oct. 26. Suspendido pa siya nang maglaro sa eliminations ang TNT at Phoenix na nagresulta sa 110-91 win ng Tropang Giga.

Nang mag-guest sa Sports Page, binanggit ni Abueva kay host Sev Sarmenta na nag-sorry siya kay Parks.

“Hey, bro, sorry for the past few years na nangyari,” sabi raw ni Abueva nang makita ang sophomore guard. “Sabi niya, ‘It’s okay, keep up what you’re doing.’”

Sa Instagram itinanggi ni Parks na may sinabi siya.

“Never in my life did I say ‘It’s okay, keep up what you’re doing. I wish you’re gonna come back soon,’” post ni Parks. “Look, I’m just pissed off that people would publish something that never came out of my mouth. I’m not mad about the comeback. I’m pissed off about the damn lie!”

Walang ganu’n?

Hindi maiiwasan ang pagsasalubong sina Abueva at Parks sa Smart 5G-powered AUF gym sa mga susunod na araw. Nasa TNT na si Parks, katapat ang Fuel Masters sa semis ng PBA Philippine Cup.

Sa Miyerkoles ang umpisa ng best-of-five. (Vladi Eduarte)

The post Abueva vs Parks: Hidwaan mabubuhay! first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *