Abueva tinik sa TNT Giga

Isang uhaw sa korona na Phoenix Super LPG na may kasamang patuloy nagpapamalas ng kanyang karapatan makalaro na si Calvin Abueva ang inaasahang magiging tinik sa daan makabalik sa kampeonato ng TNT Tropang Giga sa Game 1 ng best-of-five semifinals series ng 2020 PBA Philippine Cup bubble sa AUF Gym sa Pampanga.

The post Abueva tinik sa TNT Giga first appeared on Abante.

abueva tinik sa tnt giga - Abueva tinik sa TNT Giga
calvin 5 - Abueva tinik sa TNT Giga

Semis Game 1 ngayon: (AUF Sports Arena)

3:45pm – TNT vs Phoenix

6:30pm – Meralco vs Ginebra

Isang uhaw sa korona na Phoenix Super LPG na may kasamang patuloy nagpapamalas ng kanyang karapatan makalaro na si Calvin Abueva ang inaasahang magiging tinik sa daan makabalik sa kampeonato ng TNT Tropang Giga sa Game 1 ng best-of-five semifinals series ng 2020 PBA Philippine Cup bubble sa AUF Gym sa Pampanga.

Nagpapakita ng malaking pagbabago sa kanyang dating mapisikal na paglalaro ang tinaguriang “The Beast” na si Abueva sa pagkolekta ng all-around na kontribusyon sa Fuel Masters sapul na payagang makabalik sa paglalaro noong Oktubre 26 na tinampukan ng pagiging isa sa dalawa lamang na nakapagtala ng triple-double sa torneo.

Hindi nakalaro sa unang paghaharap ng Tropang Giga at Fuel Masters si Abueva na nagsisilbi pa noon sa kanyang suspensiyon kaya inaasahang magiging maigting muli ang paglalaro nito sa serye kung saan inaasahang mataas ang emosyon dahil sa pakikipagharap nito sa tila mortal na kaaway na si TNT forward Bobby Ray Parks Jr.

Matatandaan na inihayag ni Abueva na personal na itong humingi ng paumanhin sa anak ng dating 7-time PBA Best import awardee na si Bobby Parks subalit mariin itong pinabulaanan ng dating National University player at sinabi na wala itong alam sa pinagsasabi ng dating miyembro ng San Sebastian Stags.

Tampok din sa sagupaan sa ganap na alas-3:45 ng hapon ang paghaharap ng dalawa sa pinakamahusay na shooter sa bansa na sina Matthew Wright ng Fuel Masters at si RR Pogoy ng Tropang Giga na siyang mga nangungunang manlalaro sa scoring.

Unang pagkakataon ng Phoenix na sasabak sa best-of-five semifinals sapul na makuha ang prangkisa ng Red Bull Barako at makapaglaro sa PBA kalagitnaan ng 2016 season.

Madalas naman ang Tropang Giga na nakakatuntong sa semifinals kung saan limang beses na itong nagkampeon sa torneo kabilang ang tatlong sunod noong 2011 hanggang 2013.

“Kailangan namin kunin sa kanila ang panalo,” sabi lamang ni TNT coach Bong Ravena.

“Sasandigan at motibasyon namin na makapagtala ng kasaysayan ang koponan,” sabi naman ng dating interim bago naiangat na head coach na si Michael “Topex” Robinson. (Lito Oredo)

The post Abueva tinik sa TNT Giga first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *