Abueva sasailalim sa drug, psycho test

MAY nakikita si Phoenix coach Louie Alas na liwanag sa dulo ng tunnel para sa kaso ng kanyang forward na si Calvin Abueva, pero mukhang matatagalan pa bago makabalik ang The Beast sa PBA.

abueva sasailalim sa drug psycho test - Abueva sasailalim sa drug, psycho test
joey 2 - Abueva sasailalim sa drug, psycho test

MAY nakikita si Phoenix coach Louie Alas na liwanag sa dulo ng tunnel para sa kaso ng kanyang forward na si Calvin Abueva, pero mukhang matatagalan pa bago makabalik ang The Beast sa PBA.

Kailangan pa raw tumugon ni Abueva sa lahat ng requirements bago ma-lift ang indefinite ban na ibinagsak sa kanya ni Commissioner Willie Marcial noong June.

Sinabi ni Alas na pinayagan ni Marcial si Abueva na maki-praktis sa team para magpakondisyon. Lunes ay nagkausap sina Marcial at Abueva.

“Super good news,” balita ni Alas pagkatapos ng 130-119 loss ng Phoenix sa San Miguel noong Miyerkoles. “Bukas daw, magpapa-kondisyon siya sa’min. Magwe-weights. Sabi ko, ‘Sige mag-shooting ka sa amin.’ Light practice lang naman.”

Pagkatapos ng obscene gestures sa girlfriend ni Bobby Ray Parks ng Blackwater at sa matinding clothesline kay TNT import Terrence Jones, binigyan ng ban si Abueva.

Ilang linggo ang nakalipas, nagsagutan naman sila sa social media ng asawa, at nakita pa siyang naglaro sa ligang labas nang walang permiso ng Phoenix.

Nalilito rin daw noon ang team sa kalagayan ni Abueva.

“Ngayon, at least may natatanaw ka nang liwanag sa dulo ng tunnel,” ani Alas.

Pero isang league insider ang nagbulong na kailangang matugunan ni Abueva ang mga kondisyon ng PBA, kabilang ang pagpapasailalim sa drug testing at psychological evaluation partikular sa anger management.

“The PBA will be the one appointing the doctors and/or psychiatrists,” anang source. “Kapag nakapasa siya on both, then the ban may lifted.” (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *