Abueva pinilit makipag-sex ang asawa; dinugo, muntik makunan

NILABAS lahat ang umano’y baho ng suspendidong Philippine Basketball Association player na si Calvin Abueva ng kanyang kinakasamang si Sam.

abueva pinilit makipag sex ang asawa dinugo muntik makunan - Abueva pinilit makipag-sex ang asawa; dinugo, muntik makunan
calvin 2 - Abueva pinilit makipag-sex ang asawa; dinugo, muntik makunan

NILABAS lahat ang umano’y baho ng suspendidong Philippine Basketball Association player na si Calvin Abueva ng kanyang kinakasamang si Sam.

Sa Instagram mismo ng manlalaro na @calvinabuevaofficial naglabas ng saloobin ang asawa ng Phoenix Pulse forward.

Sa una ay sumasagot ito sa mga fan, at sinabing buhat pa lang noong college ay nananakit na ang basketbolista sa kanya.

Sa IG Live ni Sam, dito pa kinuwento ang nakakagulat na detalye ng umano’y pananakit ni Calvin.

“Last year, 2018, January tumakas kami ng mga anak ko sa kanya kasi sobra na ‘yung threat na ginagawa niya sakin, sasaksakin na niya ako, babarilin na niya ako,” pagisiwalat ni Sam.

Muntik pa umanong makunan si Sam na 32 linggo nang nagdadalang tao dahil pinilit daw siyang makipagtalik pa ng manlalaro.

“July 10 nag-spotting ako kasi lasing siya, dinaganan niya ang tiyan ko, na-ospital ako noon. July 8 pinipilit niya akong galawin, dinudugo ako sabi ko ‘di pwede kasi makukunan ako ayaw kong mawalan ng anak,” kuwento pa niya.

Maging ang mga anak umano ng PBA player ay takot na sa kanilang ama.
“Nanginginig siya gusto niyang yakapin ko siya ng mahigpit, pinapabuksan niya sa akin ‘yung ilaw kasi natatakot siya sa Daddy niya, nandoon na kami sa punto na ganoon,” sey ni Sam.

Binanatan pa ni Sam si Calvin nang ibunyag nito na may nabuntis umanong dalawang babae ang player at ‘di nito pinanagutan.

“Dalawa ‘yung nabuntis mong babae, Calvin. Nasaan? Pinanagutan mo? Hindi, ‘di ba? Hinahabol ka, Tinataguan mo. Tinanggap kita December, nagmamakawa ka sabi mo magbabago ka na tinanggap kita pero anong ginawa mo, gusto mo pa rin akong sirain,” aniya.

“Calvin, magtutuos tayo, ‘wag kang sinungaling. Magpakatotoo ka, ‘yun lang ang masasabi ko sayo,” panapos niya. (Ray Mark Patriarca)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *