Abueva kasama sa PBA Bubble

HINDI man inaasahang makakalaro ay isinama pa rin ng Phoenix sa listahan ang suspendidong si Calvin Abueva sa 25-katao na delegasyon ng koponan sa PBA bubble.

The post Abueva kasama sa PBA Bubble first appeared on Abante.

abueva kasama sa pba bubble - Abueva kasama sa PBA Bubble
abante calvin abueva 1 - Abueva kasama sa PBA Bubble

HINDI man inaasahang makakalaro ay isinama pa rin ng Phoenix sa listahan ang suspendidong si Calvin Abueva sa 25-katao na delegasyon ng koponan sa PBA bubble.

Kahit walang kasiguruhan mula sa PBA kung kailan ang posibleng pagbabalik ni Abueva ay umaasa pa rin ang Phoenix Super LPG na makakasama nito ang dating San Sebastian College star sa muling pagbubukas ng liga.

Una nang nagpadama ng napipintong pagbabalik si Abueva sa pagpapahayag sa kanyang social media account.

Isinama ng Fuel Masters ang 30-anyos na forward sa isinumiteng lineup sa inaasam na pagbabalik ng ika-45 taon ng liga na gaganapin sa bubble format sa loob ng Clark Freeport Zone.

Nalaman kay Phoenix Team manager Paolo Bugia na umaasa si Abueva na tuluyang aalisin ang suspension dito bago ang plano na pagbubukas sa Oktubre 11. (Lito Oredo)

The post Abueva kasama sa PBA Bubble first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *