Abueva 5 buwan ng busy sa Covid

Busy si Philippine Basketball Association star Calvin Abueva sa nakalipas na limang buwan habang naka-quarantine ang buong bansa dahil sa coronavirus.

The post Abueva 5 buwan ng busy sa Covid first appeared on Abante.

abueva 5 buwan ng busy sa covid - Abueva 5 buwan ng busy sa Covid
Calvin - Abueva 5 buwan ng busy sa Covid

Busy si Philippine Basketball Association star Calvin Abueva sa nakalipas na limang buwan habang naka-quarantine ang buong bansa dahil sa coronavirus.

Namigay siya ng food packs, meals, PPEs sa mga medical frontliner at sa mga kinakapos ng pagkain.

Ang Phoenix LPG Superkalan forward mismo ang nagluto sa mga pinamigay na meals, tumulong din siya sa Fuel Masters sa pag-repack. Hanggang sa pamimigay, kasama ang The Beast.

Sa pagitan ng mga aktibidad na ‘yun, nakapagmuni-muni si Abueva kung paano kokontrolin ang emosyon sa laro.

Hindi pa inaalis ang indefinite suspension ng 30-year-old, 6-foot-3 forward na ipinataw ni PBA commissioner Willie Marcial June ng nagdaang taon.

Kita ang tiyaga ng dating NCAA MVP sa pagsunod sa lahat ng requirements para makabalik. Sumailalim rin aniya siya sa psychotherapy at maraming natutunan sa anim na sessions doon.

“Ang laki ng pagbabago sa mga nangyari sa akin sa past year,” ani Abueva sa Sports Page ng One PH/One Sports. (Vladi Eduarte)

The post Abueva 5 buwan ng busy sa Covid first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *