Abetski liyamado sa ‘3YO Maiden’

ISA sa mga aabangan ng mga karerista ang Three-year-Old & Above Maiden Race ngayong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

The post Abetski liyamado sa ‘3YO Maiden’ first appeared on Abante.

abetski liyamado sa 3yo maiden - Abetski liyamado sa ‘3YO Maiden’
kabayo - Abetski liyamado sa ‘3YO Maiden’

ISA sa mga aabangan ng mga karerista ang Three-year-Old & Above Maiden Race ngayong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Inaasahang magiging liyamado si Abetski laban sa 13 pang katunggali sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Rerendahan ni class A rider RD Raquel si Abetski, may distansiyang 1,300 meter at karagdagang P10,000 sa unang kabayong tatawid sa meta.

Ayon sa mga karerista, posibleng maging mahigpit na karibal ni Abetski sina Beli Bell at Mutya Ng Ibaan.

“Magandang laban ‘yan, makikita natin kung sino ang may potensiyal na maging kampeon,” wika ni Carmelito Cristobal, mananaya.

Ang ibang kalahok ay sina Ninong, Muskel, Kingwash Knows, Avalone Bandit, Toni’s Wet Lips, Red Hawk, Es Em Bee, Proud idol, Sheik Chariot, Happy Kid at Hot Ticket.

Samantala, 15 takbuhan ang pasisibatin tampok ang 1st Leg Juvenile Fillies & Colts Stakes race. (Elech Dawa)

The post Abetski liyamado sa ‘3YO Maiden’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *