Abando, Nonoy aalis ba ng UST?

ANG gulo na, ang daming nangyayari sa sports community mga Ka-Abante.

The post Abando, Nonoy aalis ba ng UST? first appeared on Abante.

abando nonoy aalis ba ng ust - Abando, Nonoy aalis ba ng UST?
basketbolera 1 - Abando, Nonoy aalis ba ng UST?

ANG gulo na, ang daming nangyayari sa sports community mga Ka-Abante.

Nariyan ang pagtanggal kay CJ Cansino sa USTe, ang pagkabunyag ng bubble ng team at maging ng NU.

Matapos matanggal ng dating kapitan ng Tigers, agad itong nakalipat sa Fighting Maroons.

Patuloy ang pag-iimbestiga dito.

Sino nga ba ang dapat sisihin? Sino nga ba ang dapat paniwalaan?

Siguro mga Ka-Abante, sa pagkakataong ito ay dapat may maglakas na ng loob na magsalita.

Hindi puro sa larawan at kung ano-anong lumulutang sa social media tayo nakaabang.

Oras na rin para may magsakripisyo!

Aminin man o hindi, malaki ang mawawala sa UST kapag lumayas na sa puder nila ang mga manlalaro nila tulad nina Rhenz Abando at Mark Nonoy na napakalaki ng potensiyal.

Maiba tayo mga Ka-Abante, kung magulo sa UAAP, maganda naman ang kaganapan ngayon sa PBA.

Balik ensayo na nga ang mga team, balik na sa pagpapakondisyon ang mga player.

Nabuhayan na ang mga fan na hindi lang live games ng NBA ang mapapanood kundi maging ang PBA ay malapit na rin.

Muli mga Ka-Abante, patuloy po ninyong suportahan ang Sportalakan, Martes ng 4pm.

Salamat po. God bless!

The post Abando, Nonoy aalis ba ng UST? first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *