Abando kursunada ng Letran

PAGKATAPOS ni CJ Cansino na nag-ober da bakod na sa University of the Philippines (UP) Fighting Maroons, balitang si Rhenz Abando na ang sunod na lalayas sa University of Sto. Tomas (UST) Growling Tigers patungong Colegio de San Juan de Letran Knights.

The post Abando kursunada ng Letran first appeared on Abante.

abando kursunada ng letran - Abando kursunada ng Letran
Rhenz Abando - Abando kursunada ng Letran

PAGKATAPOS ni CJ Cansino na nag-ober da bakod na sa University of the Philippines (UP) Fighting Maroons, balitang si Rhenz Abando na ang sunod na lalayas sa University of Sto. Tomas (UST) Growling Tigers patungong Colegio de San Juan de Letran Knights.

Sa balitang unang lumabas sa Spin.ph, sinasabing malapit na ring lumayas sa Espana-based basketball team si Abando patungo sa NCAA champion na Letran.

Kamakailan ay lumipat si Cansino sa Maroons matapos na sibakin sa lineup ni UST coach Aldin Ayo dahil sa hindi pagkakasundo sa kontrobersiyal na UST training bubble sa Sorsogon.

Naglaro muna ang 6-foot-2 forward sa Philippine College of Science and Technology sa Pangasinan bago madiskubre ni Ayo at kunin sa UST.

Hiningan ng Abante Sports ng reaksiyon sa balita si Letran coach Bonnie Tan pero hindi pa ito sumasagot sa text.(Abante Tonite Sports)

The post Abando kursunada ng Letran first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *