7 buwan bago Olympics, COVID sumirit sa Japan

HINILING ng Tokyo at tatlo nitong katabing prefectures sa Japanese Government na ideklara ang state of emergency matapos na bumulusok pataas ang kaso ng coronavirus cases sa Olympic at Paralympic host city.

The post 7 buwan bago Olympics, COVID sumirit sa Japan first appeared on Abante.

7 buwan bago olympics covid sumirit sa japan - 7 buwan bago Olympics, COVID sumirit sa Japan
Olympics - 7 buwan bago Olympics, COVID sumirit sa Japan

HINILING ng Tokyo at tatlo nitong katabing prefectures sa Japanese Government na ideklara ang state of emergency matapos na bumulusok pataas ang kaso ng coronavirus cases sa Olympic at Paralympic host city.

Agad nakipagpulong ang Governor ng Tokyo, Chiba at Kanagawa kay Economic Revitalisation Minister Yasutoshi Nishimura, na siyang in-charge ng Japanese Government’s response sa krisis, para sa kahilingan.

“We agreed that we are in a severe situation that warrants us considering the declaration of a state of emergency,” sabi ni Nishimura matapos ang pulong sa ulat ng Kyodo News.

Gayunman, sinabi ni Nishimura na hihingin muna ng Government ang “hear the opinions of experts” bago nito gawin ang desisyon kung gagawin o hindi na magpatupad ng state of emergency.

Una nang nagdeklara si dating Prime Minister Shinzō Abe ng state of emergency sa Japan bilang tugon sa pandemic noong Abril 7, 2019, dalawang linggo bago na-postpone ang Olympics at Paralympic sa 2021.

May pitong buwan na lamang bago ang pagsasagawa ng nausog na 2020 Olympics at Paralympics ay ikinababahala ni Koike ang tinagurian na “”explosion of infections” sa lugar nito kung saan 783 bagong COVID-19 kaso ang naitala at 88 katao ang “seriously ill.” (Lito Oredo)

The post 7 buwan bago Olympics, COVID sumirit sa Japan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *