60 puntos ni Beall lusaw sa Sixers

PASIKLABAN sa opensa sa simula pa lang ng laban at pagdating sa dulo ay nanaig ang Philadelphia 76ers kontra Washington Wizards, 141-136, kahapon sa 2020-2021 NBA regular season.

The post 60 puntos ni Beall lusaw sa Sixers first appeared on Abante.

60 puntos ni beall lusaw sa sixers - 60 puntos ni Beall lusaw sa Sixers
10 3 - 60 puntos ni Beall lusaw sa Sixers

PASIKLABAN sa opensa sa simula pa lang ng laban at pagdating sa dulo ay nanaig ang Philadelphia 76ers kontra Washington Wizards, 141-136, kahapon sa 2020-2021 NBA regular season.

Pinamunuan ni Joel Embiid ang lima nitong teammates na umiskor ng mahigit sa 10 puntos upang lusawin ang 60 puntos na kinamada ng pambato ng Wizards na si Bradley Beal.

Kumayod si Embiid ng 38 points at limang rebounds habang nagtala si Seth Curry ng 28 markers para akbayan ang Sixers sa kanilang pang seventh win sa walong salang.

Humarurot agad sa opensa ang 76ers sa umpisa ng laro kaya naitala nila ang 82 puntos laban sa 67 ng Washington sa halftime.

Nagpatuloy ang mainit na kamay ni Beal sa second half pero hindi sumapat para akbayan sa panalo ang Wizards.

Bumakas sina Tobias Harris at Shake Milton ng tig 19 puntos, may 17 marka at 12 rebounds ang kinana ni Ben Simmons habang 15 si Danny Green para sa Philadelphia na nangunguna sa Eastern Conference team standings tangan ang 7-1 record.

May sahog na pitong boards at limang assists si Beal, sumunod sa kanya si Russell Westbrook na nilista ang double-double na 20 puntos at 12 assists para sa Wizards. (Elech Dawa

The post 60 puntos ni Beall lusaw sa Sixers first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *