59 entries sa Pasay stagfest

MAY 59 entries ang Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) sa round three ng “2019 LGBA Breeder of Year” race sa Biyernes, Sept. 13, sa Pasay City Cockpit.

59 entries sa pasay stagfest - 59 entries sa Pasay stagfest
sabong 3 1 - 59 entries sa Pasay stagfest

MAY 59 entries ang Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) sa round three ng “2019 LGBA Breeder of Year” race sa Biyernes, Sept. 13, sa Pasay City Cockpit.

Sinimulan ang LGBA series noong Sept. 6 sa suporta ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000 at humatak na ng 86 entries.

Para sa first leg (7-stag derby na may 3-4 format), garantisado ang P5 milyon, ani LGBA president Nick Crisostomo.

“This year, all participants have a chance of being included in LGBA’s elite top 10 winners of the Breeder of the Year award,” dagdag niya.

Ilan sa kasali sa 3-stag elims sa Biyernes: Jose Alberto, Jr., Rolly Bautista, Juan Baquiran, Mike Bazar, JC Bernardo, Nickson Co, Jodi Dimayuga, James Flores, Alan Imperial, Brian Kampton, Rolly Kua, Dennis Manalang, Percy Modomo, Philip Neri, Rene Santos, Nino Tobiano, Boy Quiza at Doc Nino Mabanta.

Mas maraming entries ang inaasahan sa natitirang 3-stag elims sa Sept. 16 at 18 at Oct. 3.

Bitaw ang finals (4-stag) sa Oct. 7 at 11. (Enjel Manato)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *