5-taon ektensiyon sa Bucks: Antetokounmpo paldo ng P11B

IYAK ang mga umaasang masusulot nila si reigning two-time Most Valuable Player (MVP) Giannis Antetokounmpo.

The post 5-taon ektensiyon sa Bucks: Antetokounmpo paldo ng P11B first appeared on Abante.

5 taon ektensiyon sa bucks antetokounmpo paldo ng p11b - 5-taon ektensiyon sa Bucks: Antetokounmpo paldo ng P11B
giannis abante - 5-taon ektensiyon sa Bucks: Antetokounmpo paldo ng P11B

IYAK ang mga umaasang masusulot nila si reigning two-time Most Valuable Player (MVP) Giannis Antetokounmpo.

Kahapon (Miyerkoles sa Pilipinas), inanunsiyo ng tinaguriang ‘Greek Freak’ ang pagpirma niya ng five-year $228 million (P10, 953,006, 000 o halos P11 bilyon) extension sa Milwaukee Bucks.

Ayon sa ulat ng ESPN, naglalaman ang kontrata ng full five-year supermax extension na may kasamang ‘opt-out’ clause sa ikaapat na taon.

Pasalamat naman si Giannis sa Bucks matapos ang kasunduan sa koponan.

“This is my home, this is my city. I’m blessed to be able to be a part of the Milwaukee Bucks for the next 5 years. Let’s make these years count. The show goes on, let’s get it,” tweet ng ‘Greek Freak’.

Kabilang sa mga koponang may interes kay Antetokounmpo ang Miami Heat, Philadelphia 76ers at Golden State Watriors.

Hindi nakarating sa Eastern Conference Finals ang Bucks matapos masipa ng Heat sa second round ng 2019-2020 NBA Playoffs. (JAToralba)

The post 5-taon ektensiyon sa Bucks: Antetokounmpo paldo ng P11B first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *