5 atleta, coach ng PFL may Covid-19

PURNADA ang unang araw at pag-uumpisa sana ng 4th Philippine Football League (PFL) 2020 bubble nitong Linggo ng dahil sa hindi inaasahang insidente.

The post 5 atleta, coach ng PFL may Covid-19 first appeared on Abante.

5 atleta coach ng pfl may covid 19 - 5 atleta, coach ng PFL may Covid-19
yellow - 5 atleta, coach ng PFL may Covid-19

PURNADA ang unang araw at pag-uumpisa sana ng 4th Philippine Football League (PFL) 2020 bubble nitong Linggo ng dahil sa hindi inaasahang insidente.

Unang rason ang pagpositibo sa Covid-19 ng limang manlalaro at isang coach ng dalawang clubs matapos isalang noong October 21 sa RT-PCR test.

Nasa isolation facility na sa kasalukuyan ang mga sinuri kung saan aminado ang management na ‘di maiiwasan ang nasabing senaryo kaya tiniyak din may mga inihanda silang protocol.

“We have anticipated this scenario hence there is a set of health and safety protocols in place for incidents such as this,” saad sa nilabas ng statement ng liga.

Bukod ditto, kinonsidera rin ang lagay ng panahon dulot ng bagyong Quinta kaya pansamantala munang kinansela ang mga laro na nakatakda sanang ganapin sa Philippine Football Federation (PFF) National Training Center sa Carmona, Cavite.

Siniguro naman ng pamunuan na itutuloy pa rin ang ito sa mga susunod na araw. (Aivan Denzel Episcope)

The post 5 atleta, coach ng PFL may Covid-19 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *