4 cluster venue sa 30th SEA Games

Kabuuang apat na magkakahiwalay na lugar ang pagsasagawaan ng 56 sports sa pang-apat na pagtataguyod ng ng bansa para sa 30th Southeast Asian Games 2019 na nakatakda sa Nobyembre 30 Disyembre 11.

4 cluster venue sa 30th sea games - 4 cluster venue sa 30th SEA Games
Abante 2019 30 SEA Games  - 4 cluster venue sa 30th SEA Games

Kabuuang apat na magkakahiwalay na lugar ang pagsasagawaan ng 56 sports sa pang-apat na pagtataguyod ng ng bansa para sa 30th Southeast Asian Games 2019 na nakatakda sa Nobyembre 30 Disyembre 11.

Halos apat na buwan na lang at raratsada na ang 11-nation, 12-day bienniel sportsfest. Pero hanggang sa kasalukuyan ay paiba-iba pa rin ang mga pasilidad na paglalabanan sa itinakdang mga kompetisyon.

Nilabas ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) ang lista­han ng mga competition venue pati na rin ang mga competition schedule para sa Manila Cluster.

Gaganapin sa Makati Coliseum sa Makati City ang badminton sa December 1-9 habang sa Starmall EDSA Mandaluyong City ang bowling sa Dec. 3-8.

Ang SM Mall of Asia Areena sa Pasay City ang lugar para sa basketball -5X5 sa Dec. 4-10 habang sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City ang basketball – 3X3 sa Dec. 1-2, at esports sa Dec. 5-10. Ang Philippine international Convention Center Forum 2-3 sa Pasay City ang pagsasagawaan ng boxing sa Dec. 2-7, habang sa Cuneta Astrodome sa Pasay rin ang kickboxing sa Dec. 7-10.

Ang Manila Hotel Tent sa Port Area, Manila ang playing venue ng billiard sports sa Dec. 3-10, ang bagong umpuning Rizal Memorial Footbll Stadium sa Malate, Manila ang pagsasagawaa ng football – men sa Nov. 25-Dec. 10.

Idaraos ang aerobic, artictics at rhythmic gymnastics sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate sa Dec. 1-9, sa Ninoy Aquno Stadium sa Malate pa rin ang weightlifting sa Dec. 1-4 at ang taekwondo sa Dec. 7-9; papalo ang lawn tennis sa Rizal Memorial Tennis Center sa Malate sa Dec. 1-7, atpb. (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *