4-0 baraha tatalbusin nina Gutang, Pasturan

PAKAY ng College of Saint Benilde Blazers na sumalo sa defending­ champion San Beda Univerity Red Lions sa team standings ng 95th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

4 0 baraha tatalbusin nina gutang pasturan - 4-0 baraha tatalbusin nina Gutang, Pasturan
2019 Abante Basketball - 4-0 baraha tatalbusin nina Gutang, Pasturan

Standings W L
San Beda 4 0
CSB 3 0
Letran 4 1
LPU 4 1
SSC-R 2 2
JRU 2 4
Perpetual 1 3
Arellano 1 3
EAC 1 4
Mapua 0 4

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
12nn — Mapua vs Letran
2:00pm — Perpetual vs Arellano
4:00pm — SSC-R vs CSB

PAKAY ng College of Saint Benilde Blazers na sumalo sa defending­ champion San Beda Univerity Red Lions sa team standings ng 95th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Kinapitan ng Blazers sina Justin Gutang at Jimboy Pasturan nang talbusin nila ang Mapua Cardinals, 71-67, Huwebes ng gabi sa Mapua Gym sa Intramuros, Manila.

Tangan ang 3-0 karta, muling huhugot ng lakas ang Taft-based squad CSB kina Gutang at Pasturan pagharap nila sa San Sebastian College Stags sa alas-4:00 ng hapon.

Solo sa second spot ang St. Benilde habang mag-isa sa tuktok ang Red Lions sakmal ang malinis na apat na panalo.

“I like the way we play in terms of our grit and grind throughout the game,” hayag ni Blazers head coach TY Tang.

Pinakamagandang umpisa ito ng Blazers mula pa noong 2005.

Galing sa talo ang Stags kaya paniguradong gusto agad nilang bumangon para manatili sila sa panglimang puwesto, hawak nila ang 2-2 karta.

Samantala, magkakaldagan sa alas-12:00 ng tanghali ang Mapua at Letran Knights habang magkatapat sa alas-2:00 ng hapon ang Perpetual Help Altas at Arellano University Chiefs. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *