30th SEA Games fund, babantayan — Ramirez

SINIGURO ni Team Pilipinas Chef de Mission at Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez na maayos na mababantayan ang pondo na gagamitin sa 30th Southeast Asian Games.

30th sea games fund babantayan ramirez - 30th SEA Games fund, babantayan — Ramirez
ABANTE ramirez 2 - 30th SEA Games fund, babantayan — Ramirez

SINIGURO ni Team Pilipinas Chef de Mission at Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez na maayos na mababantayan ang pondo na gagamitin sa 30th Southeast Asian Games.

Sinabi ni Ramirez na lahat ng partidong nakapaloob sa Philippine Olympic Committee (POC), Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) at mismong PSC ay magkakasamang nagtatrabaho sa kanilang mga responsibilidad para sa pagho-host ng bansa sa kada dalawang taong torneo.

“We have the country’s best inte­rest in mind,” sabi ni Ramirez.

Ito ay matapos ang halos magulo na kaganapan noong buwan ng Hulyo dahil sa ‘di pagkakaunawaan sa liderato at pagpapatakbo ng kada dalawang taong multi-sports na torneo.

“As instructed by the president, we shall shield the athletes to allow them to focus on their training, assist in the country’s hosting of the games by ensuring the proper and timely proces­sing of funds,” sabi ni Ramirez.

Ipinaliwanag ni Ramirez na sa kasalukuyang set-up, ang Department of Budget and Management (DBM) ang siyang mamamahala sa ‘disbursement of funds’ kasama ang Procurement Service. (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *