21-year veteran inaabangan: Taulava, NLEX pakiramdaman

DESIDIDO ang NLEX na panatilihin ang core ng veteran big men sa PBA Season 46, binigyan ng panibagong kontrata sina JR Quinahan, Raul Soyud at Michael Miranda.

The post 21-year veteran inaabangan: Taulava, NLEX pakiramdaman first appeared on Abante.

21 year veteran inaabangan taulava nlex pakiramdaman - 21-year veteran inaabangan: Taulava, NLEX pakiramdaman
8 3 - 21-year veteran inaabangan: Taulava, NLEX pakiramdaman

DESIDIDO ang NLEX na panatilihin ang core ng veteran big men sa PBA Season 46, binigyan ng panibagong kontrata sina JR Quinahan, Raul Soyud at Michael Miranda.

Ang hindi na lang sigurado kung mapapahaba pa ang 21-year stay sa PBA ay si veteran slotman Asi Taulava, 47.

Limitado ang minuto ng former PBA Most Valuable Player na si Taulava sa nagdaang Philippine Cup bubble tournament pero malaking tulong pa rin sa koponan.

Wala pang balita kung magreretiro na si Asi o hihirit pa ng isang season sa Road Warriors.

Nasa pirmahan naman sina Quinahan at Miranda, kasama sina long-time agent Danny Espiritu at NLEX Corp. assistant vice president Ronald Dulatre.

Second-leading scorer ng team si Quinahan, 36, sa Philippine Cup sa Pampanga bubble sa average na 13.8 points bawat laro.

May sahog pa siyang 6.5 rebounds at 3.0 assists.

Bawat minutong binibigay ni coach Yeng Guiao ay sinusulit din ni Miranda sa isinumiteng 6.7 points at 4.3 rebounds.

Balikwas ang laro ni 6-foot-5 Soyud, kandidato pa sa Most Improved Player award sa norms na 10.0 poins at 6.8 rebounds per night.

May panibagong kontrata na rin sina Kiefer Ravena, Kevin Alas at Jericho Cruz kaya buo pa ang core ng Road Warriors na tumapos ng 9th sa bubble, kinapos lang ang 5-6 win-loss card para umabot sa playoffs. (Abante Sports)

The post 21-year veteran inaabangan: Taulava, NLEX pakiramdaman first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *