21 NSA wala pang official list ng mga atleta para sa SEAG

KABUUANG 21 national sports association (NSA) ang hindi pa nakakapagsumite ng kanilang opisyal na listahan o ‘entry by names’ ilang araw bago sa itinakda nitong deadline para sa pinakapinal na komposisyon ng Team Pilipinas sa iho-host nitong ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

21 nsa wala pang official list ng mga atleta para sa seag - 21 NSA wala pang official list ng mga atleta para sa SEAG
NSA - 21 NSA wala pang official list ng mga atleta para sa SEAG

KABUUANG 21 national sports association (NSA) ang hindi pa nakakapagsumite ng kanilang opisyal na listahan o ‘entry by names’ ilang araw bago sa itinakda nitong deadline para sa pinakapinal na komposisyon ng Team Pilipinas sa iho-host nitong ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ito ang napag-alaman matapos ang isinagawang kada Miyerkoles na Office of Team Pilipinas chef de mission at Secretariat meeting sa pangunguna ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Kinausap ni Ramirez ang ilang natitirang mga NSA na problemado sa kanilang mga competition venue pati na rin sa isinasagawang paghahanda para sa pagsabak sa kada dalawang taon na SEA Games tulad ng volleyball, wushu, floorball at handball.

Itinakda ng nag-oorganisang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) ang pagsusumite ng kumpletong listahan ng mga pinal na maglalarong atleta sa Lunes, Setyembre 30.

Pilit namang inaasikaso ni Ramirez ang ilang mga usapin sa volleyball kung saan hindi pa rin nasisiguro kung saan talaga gagawin ang popular na sports na pamamahalaan ng Larong Volleyball ng Pilipinas, Incorporated kung gagawin ba sa PhilSports Arena sa Pasig City o sa Ninoy Aquino Stadium sa Vito Cruz, Manila.

Ilan sa patuloy na hinihintay na magsumite ng opisyal na lineup ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kung saan inaasahang pipiliin pa mula sa isinumiteng 24-katao ang bubuo ng Gilas Pilipinas na pamumunuan na ni Barangay Ginebra coach Tim Cone. (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *