2020 YEARENDER: Sports naparalisa ng coronavirus

Ilang buwan matapos ang pagsasaya ng Pilipinas sa paghohost at pagwawagi sa ikalawang pangkalahatang titulo sa ika-31 edisyon ng Southeast Asian Games (SEAG) ay tila biglang napigil ang paggalaw ng komunidad ng sports at pati na ang buong mundo.

The post 2020 YEARENDER: Sports naparalisa ng coronavirus first appeared on Abante.

2020 yearender sports naparalisa ng coronavirus - 2020 YEARENDER: Sports naparalisa ng coronavirus
sports covid - 2020 YEARENDER: Sports naparalisa ng coronavirus

Ilang buwan matapos ang pagsasaya ng Pilipinas sa paghohost at pagwawagi sa ikalawang pangkalahatang titulo sa ika-31 edisyon ng Southeast Asian Games (SEAG) ay tila biglang napigil ang paggalaw ng komunidad ng sports at pati na ang buong mundo.

Napuwersang kanselahin ang mga sporting event sa bansa dahil sa pandemic coronavirus.

Binulaga ng pahayag ng pamahalaan kasama ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease Marso 16 ang buong bansa sa pagdedeklara ng lockdown o Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ang deklarasyon ay nagpipigil sa lahat na umiwas sa matataong lugar at lumabas ng kanilang mga bahay.

Agad naapektuhan ang mga myembro ng national team matapos ideklara noong Abril 29, 2020 ng Philippine Sports Commission na kinansela nito ang lahat ng kanilang sports events hanggang Disyembre upang sundin ang kautusan ng gobyerno na nagbabawal sa mga aktibidad na dinadaluhan ng maraming tao.

Ilan sa mass gathering event na nakansela ang Palarong Pambansa sa Marikina, ang Philippine National Games at ang ASEAN Para Games.

Maraming malalaking pasilidad sa sports sa bansa na pinaganda ay kakaayos lang ay naging temporary quarantine facilities para sa mga pasyente ng COVID-19 kabilang na ang Rizal Memorial Sports Complex, ang New Clark City Sports Complex, ang Philippine Arena complex, at ang PhilSports Arena.

Unang naapektuhan ang UAAP Season 82 na tanging natapos ay basketball bago sinundan ng NCAA Season 95 na na-postpone muna ang mga laro bago tuluyang kinansela.

Hindi pa rin natatapos ang 2019-2020 MPBL season dahil hindi pa rin nakukumpleto ang 2020 MPBL Playoffs.

Natigil din bago nakumpleto ang Philippine Football League at Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup na isinagawa sa pamamagitan ng bubble, habang nakansela rin ang 2020 PBA D-League Aspirants Cup.

Hindi pa natatapos ang taon ay kinansela ng mga namamahala ang UAAP Season 83.

Bagaman niluwagan simula Mayo ng 2020 ang mga restriksiyon sa sports ng pamahalaan sa mga lugar na inilagay sa general community quarantine (GCQ) ay hindi pa rin tuluyang nakaahon ang sports.

Ilang non-contact sports tulad ng golf at cycling ang pinayagan base sa pag-ooserba sa social distancing measures na kasama na din sa ibang disiplina. (Lito Oredo)

The post 2020 YEARENDER: Sports naparalisa ng coronavirus first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *