2 free throw ni Rosario nagpanalo sa KaTropa

PINANATILI ng TNT Katropa ang malinis nitong kartada matapos manganib madungisan sa pagtakas sa 103-100 panalo kontra NorthPort Batang Pier sa eliminasyon ng 2019 PBA Governors Cup sa Cuneta Astrodome.

2 free throw ni rosario nagpanalo sa katropa - 2 free throw ni Rosario nagpanalo sa KaTropa
tnt katropa - 2 free throw ni Rosario nagpanalo sa KaTropa

Mga laro bukas: (Mall of Asia Arena)

4:30pm — Columbian Dyip vs Blackwater

7:00pm — Magnolia vs San Miguel

PINANATILI ng TNT Katropa ang malinis nitong kartada matapos manganib madungisan sa pagtakas sa 103-100 panalo kontra NorthPort Batang Pier sa eliminasyon ng 2019 PBA Governors Cup sa Cuneta Astrodome.

Sinandigan ng Katropa ang isang tres ni Troy Rosario na nagbigay muli sa KaTropa sa 101-100 abante kasunod ang dalawa pa nitong free throw sa 1.3 segundo tungo sa ikalimang sunod na panalo at solong liderato.

Ibinuhos ni Rosario ang 17 sa kanyang kabuuang 22 puntos sa ikaapat na yugto upang tulungan na makabawi ang KaTropa sa laro.

“Another escape win for us. We just have to keep improving. Tougher teams na ang kasunod na makakalaban namin, so we had to keep our minds set again,” sabi ni TNT coach Bong Ravena.

Ibinagsak ng Batang Pier ang 6-2 run tampok ang isang lay-up ni Mo Tautuaa sa pagsisimula ng ikaapat na yugto upang itala ang pinakamataas nitong siyam na puntos na abante sa, 76-67, may 10:37 minuto pa sa laro.

Dalawang free throw ni Tautuaa ang nagtulak sa NorthPort sa anim na puntos na abante sa natitirang 54 segundo sa ikatlong yugto, 70-64.

Itinala muna ng KaTropa ang 13 puntos na abante sa natitirang 2:12 minuto ng unang yugto, 24-11, mula sa lay-up ni Marion Magat. (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *