2 Athletics Open sisipa sa 2021

Isasagawa ng Philippine Athletics Track and Field (PATAFA) sa loob ng isang taon ang dalawang magkahiwalay na edisyon ng taunang Philippine Athletics Open sunod na taon sa loob ng bagong gawa na New Clark City.

The post 2 Athletics Open sisipa sa 2021 first appeared on Abante.

2 athletics open sisipa sa 2021 - 2 Athletics Open sisipa sa 2021
PATFA - 2 Athletics Open sisipa sa 2021

Isasagawa ng Philippine Athletics Track and Field (PATAFA) sa loob ng isang taon ang dalawang magkahiwalay na edisyon ng taunang Philippine Athletics Open sunod na taon sa loob ng bagong gawa na New Clark City.

Sinabi ni PATAFA president Philip Ella Juico sa pagdalo nito sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum na ang dalawang National Open ay bilang pagtalima sa responsibilidad nito sa kinaaaniban na internasyonal na asosasyon na World Athletics o kilala dati na International Amateur Athletic Federation at International Association of Athletics Federations o IAAF.

Ipinaliwanag ni Juico na isasagawa sa kalagitnaan ng Pebrero ang dapat sanang 2020 National Open na inaasahan nito na sasalihan ng mahigit sa 20 pambansang atleta na hindi kasama ang mga Fil-Am habang ang ikalawa ay sa Setyembre o Oktubre.

“It is a promise to the AAA or World Athletics that we will hold an international meet every year,” sabi ni Juico.

Matatandaang nausog ang itinakda sanang isagawa ngayong Disyembre 4-6 tungo sa Marso 19-21 sunod na taon sa New Clark City Athletics Stadium na siyang pinagsagawaan ng 30th Southeast Asian Games. (Lito Oredo)

The post 2 Athletics Open sisipa sa 2021 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *