2 araw ng karera ilalarga ng MJCI

Sumabay na rin ang Manila Jockey Club Inc. sa ginawa ng Metro Manila Turf Club na nagpakarera ng Sabado at Linggo.

The post 2 araw ng karera ilalarga ng MJCI first appeared on Abante.

2 araw ng karera ilalarga ng mjci - 2 araw ng karera ilalarga ng MJCI
jockey - 2 araw ng karera ilalarga ng MJCI

Sumabay na rin ang Manila Jockey Club Inc. sa ginawa ng Metro Manila Turf Club na nagpakarera ng Sabado at Linggo.

Dalawang araw na karera ang pasisibatin ng MJCI at ilalarga ito sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

“Unti-unti nang bumabalik, sana pagdating ng December maging apat na araw na ang karera para mas lalong masaya,” hayag ni Angelito Velarde na matagal nang karerista.

Tampok sa magiging karera ay ang Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Memorial Cup na tiyak na magbibigay ng kasiyahan sa mga karerista.

Samantala, sunod-sunod na ang mga stakes races na nilalarga tuwing Linggo.

Naka-lineup na rin ang 3rd Leg Three-Year-Old Impported/Local Challenge Race na ilalarga naman sa Nobyemre 22 kung saan ay naghayag na ng pagsali sina Sky Candy, Tony’s Love at American Factor. (Elech Dawa)

The post 2 araw ng karera ilalarga ng MJCI first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *