1st time mula 2005: LeBron out sa playoffs

SAPUL noong 2005, mula Cleveland hanggang Miami, walang palya – perfect attendance – sa playoffs si LeBron James.

The post 1st time mula 2005: LeBron out sa playoffs appeared first on Abante News Online.

1st time mula 2005 lebron out sa playoffs - 1st time mula 2005: LeBron out sa playoffs
lebron 3 - 1st time mula 2005: LeBron out sa playoffs

SAKIT BESH!

SAPUL noong 2005, mula Cleveland hanggang Miami, walang palya – perfect attendance – sa playoffs si LeBron James.

Mula Cleveland ay tumawid siya sa Los Angeles nitong free agency, pagkatapos ng regular season ay natapos na rin ang 14-year streak niya sa postseason.

Ang Lakers, humaba sa anim na sunod na taon ang pag-absent sa postseason.
Eliminated na sa playoff race si LeBron at ang Lakers matapos lambatin ng Brooklyn Nets, 111-106, Biyernes nang gabi sa Staples Center.

Hindi naisalba ng 25 points, 14 rebounds at 9 assists ni James ang LA (31-40), natengga sa 11th place sa Western Conference. Milya-mil­ya sila sa likod ng No. 8 San Antonio (42-31).

Sa kabilang banda, kapit sa 7th sa East ang Nets (37-36).

Edad 20 si James nang huling hindi makasampa sa playoffs.

“I just keep pu­shing. I just keep preparing myself mentally, no matter if I’m in the lineup or not,” bulalas ni James. “Obvious­ly it’s been a tough season for all of us.”

Aminado si James na apektado ang kampanya nila sa suspensions ng player­s, injuries, at ang hindi magandang laro ng team sa buong 48 minutes.

“Like I said, the playoffs are never promised. You got to go out and work,” dagdag niya. “For me personally, just continue to put the work in and see what you can do to continue to help.”

May 10 games pa ang Lakers, pero hindi na talaga sila aabot. Walang nagawa kahit ang career-night ni JaVale McGee na 33 points, 20 rebounds at 6 blocks. (Vladi Eduarte)

The post 1st time mula 2005: LeBron out sa playoffs appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *