1st Leg Juvenile pinaghahandaan

ABALA na ang mga horseowner, trainer at jockey sa pag-ensayo ng kanilang mga pambato sa nalalapit na 2019 Philracom 1st Leg Juvenile Fillies and Colts Stakes Race na pasisibatin sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite sa susunod na buwan.

1st leg juvenile pinaghahandaan - 1st Leg Juvenile pinaghahandaan
horse racing 7 - 1st Leg Juvenile pinaghahandaan

ABALA na ang mga horseowner, trainer at jockey sa pag-ensayo ng kanilang mga pambato sa nalalapit na 2019 Philracom 1st Leg Juvenile Fillies and Colts Stakes Race na pasisibatin sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite sa susunod na buwan.

Sa inilabas na line up ng Philippine Racing Commission, 12 tigasing batang kabayo ang nagsaad ng pagsali sa event na nakalaan ang P1M guaranteed prize.

Wala pang hineteng nakalista sa 12 kabayong nominado, ang sigurado pa lang ay ang distansyang 1,200 metro at first prize na P600,000.

Magtatagisan ng bilis sina batang Evalom, Blazing Bullet, Bulwagan, Excellence, Exponential, Kawhi, Lucky Savings, Make Some Noise, Noon Bell, Our Secret, Prime Time Magic at Union Bell.

Ang nasabing malaking karera ay bukas sa two-year old na babae (fillies) at lalaki (colts).

Ikakalat ang premo hanggang fourth placer habang may hahamigin din ang breeder ng winning horse na P30,000.

Kukubra ng P225,000 ang second placer, habang P125,000 at P50,000 sa third at fourth, ayon sa pagkakasunod. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *