16 karera lalarga

TIYAK na sulit sa mga karerista ang inihandang pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom) ngayong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

The post 16 karera lalarga first appeared on Abante.

16 karera lalarga - 16 karera lalarga
Karera 2 - 16 karera lalarga

TIYAK na sulit sa mga karerista ang inihandang pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom) ngayong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sisibat ang 16 na takbuhan kasama ang dalawang malalaking karera kaya naman alas-11 ng umaga ay sisimulan na ang largahan.

Ayon sa ibang karerista, mas masaya sana kung magiging maayos at madali ang tayaan.

“Sana magawan nila ng paraan ‘yan, maraming karera mas maraming sales kung maayos ang tayaan,” ani Danilo Ilao, karerista na taga-Naic, Cavite.

Ikakasa ngayong araw ang 2020 Philracom “Road To Triple Crown” stakes race at ang Three-Year-Old Maiden race.

Nakalaan ang P300,000 na premyo para sa mananalong kabayo sa “Road to Triple Crown” habang P720,000 ang iuuwi ng magwawagi sa “3YO Maiden” race. (Elech Dawa)

The post 16 karera lalarga first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *