1 sa Elite positibo sa Covid: Blackwater, ROS hiniwalay muna

Agad ipina-isolate ng Office of the PBA Commissioner ang Blackwater at TNT Linggo ng umaga matapos na isang manlalaro ng Elite ang nagpositibo sa Covid-19 sa pinakahuling swab test sa Philippine Cup bubble sa Clark, Pampanga.

The post 1 sa Elite positibo sa Covid: Blackwater, ROS hiniwalay muna first appeared on Abante.

1 sa elite positibo sa covid blackwater ros hiniwalay muna - 1 sa Elite positibo sa Covid: Blackwater, ROS hiniwalay muna
abante blackwater 2 - 1 sa Elite positibo sa Covid: Blackwater, ROS hiniwalay muna

Agad ipina-isolate ng Office of the PBA Commissioner ang Blackwater at TNT Linggo ng umaga matapos na isang manlalaro ng Elite ang nagpositibo sa Covid-19 sa pinakahuling swab test sa Philippine Cup bubble sa Clark, Pampanga.

“Pina-isolate ni Secretary Vince (Dizon) and buong team ng Blackwater. Pati ‘yung kalaban (Tropang Giga) kasi close contacts,” ani commissioner Willie Marcial sa biglaang press conference.

Kinansela rin ng ang nakatakdang laban ng Blackwater sa Rain or Shine kahapon.

“Cancelled ang first game. Pero tuloy ang Manila Clasico,” hirit ni Marcial sa second game kagabi ng Barangay Ginebra San Miguel at Magnolia Hotshots.

“We’ll put Rain or Shine vs Blackwater on a different date. Most likely, isa pang triple-header,” hirit naman ni deputy commissioner Eric Castro:

Si Bases Conversion and Development Authority (BCDA) president Dizon ang nagpahayag na isang manlalaro ng Blackwater ang nagpositibo sa pandemya at agad na hiniwalay ang player at ang buong koponan.

Samantala, ang referee na naunang nagpositibo sa swab test ay nagnegatibo na sa parehong antigen test at isa pang swab test.

“Rest assured, the protocols we have applied are working,” paliwanag naman ni Dr. Raul Canlas:

(Lito Oredo)

The post 1 sa Elite positibo sa Covid: Blackwater, ROS hiniwalay muna first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *