Walang record sa NSO

Magandang araw po,

Nabasa ko po sa isang article sa Abante na nasagot po ninyo tungkol po sa pekeng birth certificate.

The post Walang record sa NSO appeared first on Abante News Online.

walang record sa nso - Walang record sa NSO
Abate Claire Castro Clear It 1 - Walang record sa NSO

Magandang araw po,

Nabasa ko po sa isang article sa Abante na nasagot po ninyo tungkol po sa pekeng birth certificate. Halos katulad po kasi ito ng sa kapatid ko na prinoproblema po namin ngayon.

Mag iisang taon na po nung pumunta ang kapatid ko para kumuha ng PSA pero hindi po siya nakakuha dahil wala pong record sya doon. Kaya po pumunta ang nanay ko sa cavite kung saan siya ipinanganak tapos na hindi siya nakarehistro. Ang problema po namin e pangalan po ng tatay namin ang ginagamit nya sa ID po ng sss, philhealth pati po sa trabaho at nung nag aaral siya. Pero hindi po kasi naiparehistro ng nanay ko sa pangalan ng tatay ko ang kapatid ko dahil hindi po sila kasal at matagal na po silang hiwalay ng tatay ko. Hindi na po namin ngayon alam kung nasaan na ang tatay namin. Napilitan po kasing magpagawa ang nanay ko nun ng pekeng birth certificate para sa kapatid ko dahil po sa may banta sa buhay namin noon. Hanggang sa nagamit na po ng kapatid ko yun pekeng birth certificate hanggang sa trabaho.

Tanong ko lang po kung may pag asa pa po bang opisyal na mairehistro ang kapatid ko sa pangalan ng tatay ko? O kung hindi naman po ano po mamari naming gawin sa philhealth, sss, pagibig ng kapatid ko?

Maraming salamat po.
JR

Mr. JR,
Kung hindi kailanman kinilala ng tatay ninyo ang kapatid mo ay malabo na magamit niya ang apelyido ng tatay mo. Ngunit kung may mga dokumento na nagpapatunay ng pagkilala niya na anak niya ang kapatid mo ay maaari pa niyang maiayos ang birth certificate.

Ayon kasi sa Revised Implementing Rules ng RA. 9255 ay ang anak na nakapangalan sa nanay ay maaaring maipa annotate na apelyido ng ama kung siya ay gumawa ng Affidavit of Admission of Paternity o kaya ay may private handwritten instrument na kinilala niya na anak niya ang kapatid mo. Kung kumpleto ang dokumento ninyo ay maaaring ipaayos ng kapatid mo ang kanyang birth certificate sa local civil registrar kung saan nakarehistro ang kanyang birth certificate. Sakop siya ng batas ng RA 9255 kung siya ay pinanganak on or after March 19, 2004.

Kung hindi niya magagamit ang provisions ng RA 9255 ay maaari naman siyang magsampa ng Petition sa korte upang maiayos ang apelyido niya.

Kung sakaling wala kayong ebidensiya na magpapatunay na anak siya ng tatay mo ay maaari naman niyang gawing testigo ang mga kamag anak ng tatay ninyo o kaya DNA result para lamang mapatuna-yan ang paternity o filiation. Kung wala talagang anumang ebidensya ay gamitin na lamang niya ang kanyang birth certificate at ipa correct lahat ng mga dokumento niya mula sa school records, employment records, SSS, Philhealth, atbp., gamit ang birth certificate na galing sa PSA.

Huwag gamitin ang anumang peke.. hanggat maaga ay ayusin na ang mga dokumento niya.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o 922 0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com

The post Walang record sa NSO appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *