Walang katulad si Gina Lopez

Tulala ako noong nakaraang Lunes matapos na marinig ko sa balita na pumanaw na si Gina Lopez na labis kong ikinabigla dahil hindi ko naman nabalitaan na mayroon na pala itong sakit.

walang katulad si gina lopez - Walang katulad si Gina Lopez
Abante Strike Revilla Strike sa Trabaho - Walang katulad si Gina Lopez

Tulala ako noong nakaraang Lunes matapos na marinig ko sa balita na pumanaw na si Gina Lopez na labis kong ikinabigla dahil hindi ko naman nabalitaan na mayroon na pala itong sakit.

Hindi naman ako gano’n kalapit kay Ms. Gina pero hindi naman lihim kung paano siya namuhay sa kabila ng kaniyang kinagisnang karangyaan na ipinagpalit niya para lamang makapaglingkod sa tao, lalo na sa mga mahihirap.

Sa mga hindi nakakakilala sa kanya, siya ay si Regina Lopez na lumilingon sa tawag na Gina at mas kilala bilang anti-mining, environment activist at dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary na sa tingin ko ay isa sa pinakaepektibong nanungkulan sa nasabing posisyon.

Umuusok ang account ko sa social media dahil sa dami ng nanghihinayang kay Ms. Gina na naging secretary ng DENR noong taong 2016 ngunit lubhang napakaikli ng kaniyang panunungkulan dahil sa na-reject siya ng ­Commission on Appointments (CA) noong 2017.

Maski ako ay dumoble ang paghanga ko kay Ms.

Gina nang malaman ko na sa kabila ng kayamanan ng pamilya nito dahil sila nga ang may-ari ng ABS-CBN ay nagtungo pala ito sa mga mahihihrap na bansa tulad ng Africa para makipamuhay sa mga pinakamahihirap na tao.

Kay Ms. Gina, kasama mo ang aking dalangin sampu ng aking pamilya, saan ka man naroroon.

Magkomento sa mga isyu ng bayan. Para sa inyong saloobin, mag-email sa abantetonite@gmail.com upang maipaabot sa mga kinauukulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *