Walang building permit bawal magpagawa

Dear Atty. Claire
Kailangan po bang kumuha ng building permit sa ginawang bahay? Squatters’ area po ito at umabot na po ng 3-storey ang bahay. Wala pong permit po ito. Ang hagdanan po nila ay sagabal sa daa­nan.

The post Walang building permit bawal magpagawa appeared first on Abante News Online.

walang building permit bawal magpagawa - Walang building permit bawal magpagawa
Abate Claire Castro Clear It 1 - Walang building permit bawal magpagawa

Dear Atty. Claire
Kailangan po bang kumuha ng building permit sa ginawang bahay? Squatters’ area po ito at umabot na po ng 3-storey ang bahay. Wala pong permit po ito. Ang hagdanan po nila ay sagabal sa daa­nan.

May karapatan po ba akong magreklamo? Pumunta ako sa city engineering dep’t, advise lang po nila na kumuha lang ang may-ari ng barangay permit dahil hindi daw sila puwedeng mag-isyu ng permit dahil sa gobyerno ang lupa.

Pero sige pa po ang pagpapatayo ng bahay. Salamat po.
Lenilyn ng Iloilo City

Ms. Lenilyn:

Ang mga istruktura na ginagawa nang walang building permit ay hindi dapat pinapayagang itayo at ipagawa.

Lahat po ng nasa squatters’ area na nagtayo ng istruktura nang walang pahintulot mula sa Office of the Building Official ng lungsod ay dapat na pinapatanggal. Nakakapagtaka lamang po na kahit nagsumbong na kayo tungkol sa iligal na pagpapagawa ay hindi kayo pinansin at hindi man lamang pinahinto ang pagpapagawa.

Dahil ang sabi ninyo ay kasama kayo sa squatters’ area ay malamang na pati kayo ay lumabag sa National Building Code.

Totoo po na hindi kayo mabibigyan ng building permit sa lupa ng gobyerno.

Kailangan ninyo kasing magsumite ng proof ng inyong ligal na interest sa lupa tulad ng titulo sa lupa o tax declaration o kahit na deed of sale o contract of lease. Kung hindi naman kayo kinikilala ng gobyerno na may karapatan kayo sa lupa tulad halimbawa kung kayo ay awardee ng NHA ay hindi kayo mabibigyan ng building permit at lahat ng itatayo ninyo sa lupa ay masasabing iligal.

Ang maaari lamang ninyong ireklamo laban sa kanila ay ang pagi­ging istorbo sa kinikila­lang right of way. Ang kinilala at nakagawian na right of way ay hindi maaaring hadlangan o lagyan ng harang.

The post Walang building permit bawal magpagawa appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *